Jericho Rosales and Kim Jones exchange comments, j.okes on IG amid persistent br.eakup rumors

Jericho Rosales and Kim Jones

Nagpapalitan ng mensahe at nakukuha pang magbiruan sa Instagram ng showbiz couple na sina Jericho Rosales at Kim Jones sa kabila ng mainit na usap-usapang hiwalay na umano sila.

Sa katunayan, nitong holiday season ay nag-iiwan pa ang dalawa ng comments sa kani-kanilang Instagram posts.

Wala pang bagong sagot sina Jericho at Kim tungkol sa latest allegation na break na sila. Subalit ang palitan nila ng sagot sa IG ay indikasyong maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Maging ang netizens, nag-iiwan ng mga komento sa kanilang IG accounts at inuusisa ang kanilang status, subalit walang sinagot ang mag-asawa sa mga ito.

COMMENTS ON INSTAGRAM

Nitong Bagong Taon, January 1, 2024, nag-post si Jericho ng handa nilang homemade dishes para sa New Year, tulad ng pizza at pasta. Hindi kita sa video kung sinu-sino ang mga kasama ng aktor.

Caption ni Jericho, “The magic number is 2024. Happy first #leftovers day of the year! Big [heart image with hands emoji] folks! Busy pa rin ang lababo.”

Comment dito ni Kim: “Pizza nights are top tier nights”

Ever-supportive din si Kim sa upcoming project ni Jericho.

Noong December 10, 2023, nag-post ng ilang behind-the-scene pics si Jericho ng kanyang upcoming project.

“we are waiting for cenonnn,” comment ni Kim patukoy sa pangalan ng karakter ni Jericho sa gagawin nitong proyekto.

comment

Noong December 25, Pasko, nag-post ng series of photos si Kim para ipakita ang kanyang outfit at paglalaro ng scrabble.

Sa kanyang IG caption, nagbiro siyang wala raw sanang mag-away na magkakapamilya dahil sa larong scrabble.

Biniro ni Jericho ang misis.

Comment ng aktor, “Try to fake lose for once, Kim. Your mom is still on the game table wearing tears on her face.”

Balik-biro ni Kim kay Jericho, “@jerichorosalesofficial lol she ruthless who she kidding”

jericho rosales comment
kim jones comment

May IG post din si Kim tungkol sa mga pinagkaabalahang proyekto noong 2023. Nag-post siya ukol dito nitong December 31, 2023.

Caption niya, “2023 was my year of play.”

Binati siya ni Jericho: “Well done, Kimberley and 2023. Well done [clapping hands emojis] Now have fun dancing with 2024”

Reply ni Kim (published as is): “@jerichorosalesofficial the interpretive dance renaissance”

jericho rosales comment

Kapansin-pansin naman sa posts ni Kim noong Pasko at Bisperas ng Bagong Taon na may netizens na nang-uusisa at nagkokomento kung totoo ang usap-usapang hiwalay na sila.

Ang iba ay nagkasagutan na dahil ipinagtatanggol ang mag-asawa ng kanilang supporters mula sa panghihimasok ng iba tungkol sa kanilang relasyon.

comment
comments

comments
comments

JERICHO-KIM ALLEGED BREAKUP

Matapos ang Pasko, muling umingay ang usap-usapang hiwalay na sina Jericho at Kim dahil sa blind item ng entertainment columnist na si Ogie Diaz.

Tungkol ito sa “guwapong aktor” at “napakagandang babae” na inaayos na raw ang kanilang annulment, na sinimulan noon pa mang kasagsagan ng pandemya.

Tinukoy ang mag-asawa na wala pang anak. Nananatili rin daw silang magkaibigan sa kabila ng desisyong maghiwalay.

Kasabay raw ng pag-aasikaso sa annulment nila ay inaasikaso na rin ang kanilang conjugal properties.

Bagamat walang ibinigay na pangalan, may netizens na nagsabing sina Jericho at Kim ang tinutukoy sa blind item. May tabloid na ring pinick-up ang blind item at tinukoy rin ang mag-asawa.

Hindi rin naman ito ang unang beses na napaulat na naghiwalay na umano sina Echo at Kim.

Noong June 2023 ay may lumabas na ulat dito sa PEP.ph ukol sa sinasabing paghihiwalay ng aktor kay Kim.

Nausisa si Jericho sa isang press conference kaugnay ng hiwalayan umano nila ni Kim.

Sinabi ng aktor na natatawa na lang siya sa opinyon ng ibang tao.

Makahulugan ang pahayag ni Jericho ukol sa isyu: “People are entitled to their own opinion, I’m really not that type of person na I really have to explain myself to anyone.

“What you see is what you get. As long as Iive in peace, in love and respect, yun na ang importante sa akin.”

Base sa sagot, hindi diretsang itinanggi o kinumpirma ni Jericho ang breakup issue.

Nabanggit din sa PEP.ph report na lumutang ang sinasabing paghihiwalay nila as early as 2022.

Natanong din ng PEP Troika si Jericho sa isang event noong September 2022, kung hiwalay na raw ba sila ni Kim.

“All right, guys! I love you. Thank you,” paiwas na sagot ng aktor hudyat ng pagtatapos ng interview.

Kasunod nito ay nagkaroon ng palitan ng comments sina Jericho at Kim kaya’t muling namatay ang isyu. Pero muli na naman itong nabuhay noong nakaraang taon.

Ikinasal sina Jericho at Kim noong May 2014.