Nakatakdang magharap muli sa korte ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.
Ito ang isa sa mga rebelasyon ni Claudine sa vlog ni Luis Manzano na inilabas kahapon, January 2, 2024.
Inisa-isa ni Claudine ang mga mabibigat na paratang niya kay Raymart.
Kabilang dito ang pagsasampa ng kasong Violence Against Women and Children (VAWC), annulment, custody battle, at money and property issues.
Binanggit din ni Claudine ang pagkakaroon umano niya ng “battered-wife syndrome” at “post-traumatic disorder.”
“Yeah, my ex-husband,” sabi niya kay Luis.
“Unang mga court cases namin, custody lang yun and VAWC.
“So, naano ako ng battered-wife syndrome. And then I also have PTSD, post-traumatic stress disorder.
“And then, nakiusap yung ex-husband ko na i-drop yung VAWC kasi nga nagkaroon na ng warrant of arrest.
“And nahihirapan ako kasi, siyempre, ayoko naman makulong yung tatay ng mga anak ko.
“Pero I never brought up yung money issue.
“So, tapos na yun, di ba? Nag-stop lahat yun.
“And then, hindi na siya sumunod dun sa support. Sa usapan.
“Hindi na siya sumunod dun sa prinamis niya, kaya drinop yung VAWC.
“So ngayon, we’re doing yung annulment naman.
“We’re going through the process. Kaya lang, ayun na naman, may custody.
“Pero how can you ask for custody, Sabina is 19 years old, 16 years old si Santino?
“So, it’s really parang impossible. Parang nanggugulo lang. Para makagulo.
“Parang, ‘Sana diretso na lang na annulment, annulment na lang.’
“And yung properties. Yung bahay, I think, Mula sa Puso o Saan Ka Man Naroroon, I don’t know kung anong soap yung ginagawa ko nun nung nabili ko yung lupa. Yung time na yun.
“So, now, parang yung properties, nagkakaproblema. Nagkakaproblema sa properties.”
Ikinasal sina Claudine at Raymart sa isang isang civil ceremony noong 2004.
Ginanap naman ang kanilang church wedding noong March 27, 2006.
Nagkahiwalay sila noong 2013.
CLAUDINE ASKS FOR VILMA’S ADVICE
Sinabi ni Claudine kay Luis na ang ina ng TV host-actor na si Vilma Santos ang nasa likod niya tuwing may problema siya.
Itong huli nga raw niyang nervous breakdown ay si Vilma ang nakatulong kay Claudine.
Si Vilma rin, ayon kay Claudine, ang nagpayo sa kanyang ipaglaban kung ano ang para sa kanya.
Sina Vilma at Claudine ay nagkasama sa pamosong pelikulang Anak (2000).
Sabi ni Claudine kay Luis: “And talagang sabi ko, ‘Ate Vi, pabalik ako.’
“So, kung may mga court cases na naman, baka makaantala yun sa mga projects na darating.
“Tapos sabi niya, ‘As long as you show them that you’re working hard, you’re professional, ipaglaban mo, Claudine.
“’Ipaglaban mo yung pagiging nanay mo.’
“’Ipaglaban mo,’ sabi niya. ‘Pumunta ka sa korte. Magdemanda ka,’ sabi niya.
“’Ipaglaban mo yung pagiging nanay mo. Ipaglaban mo yung pagiging asawa mo. Pagiging wife mo.
“’Ipaglaban mo lahat yun. Kunin mo kung ano yung nawala sa yo.’”
Sabi pa ni Claudine kay Luis, “And your mom told me lang na, ‘Continue working, kasi andiyan na. Andiyan na yung mga trabaho mo.
“‘Pero ipaglaban mo. Kunin mo kung ano yung para sa yo.'”
MONEY ISSUE
Sunod na napag-usapan sa programa ang malaking naipon umano ni Claudine— mula sa mga teleseryeng ginawa niya noon sa ABS-CBN, tulad ng Mula sa Puso (1997-1999) at Saan Ka Man Naroroon (1999-2001).
Nakuha raw sa kanya ito ni Raymart.
Pagpapatuloy ni Claudine: “A lot. Tapos… And a lot, and tapos yun na, yun yung totoo, na yun, since malaki na yung mga anak ko, Sabina wants to study abroad, Santino’s in Brent.
“And alam naman natin kung gaano kamahal nun.
“So, parang since hindi na nabibigay yung support na in-order ng court, parang yun yung sinasabi ng mom mo na ipaglaban mo. Of course.
“So, this time, malaki na yung mga anak ko, in-explain ko na, ‘Okay, we have to, kukunin ko na ulit kung ano yung akin.'”
Ayon kay Claudine, daan-daang milyon ang kinuha sa kanya ng dating asawa.
Saad niya: “We’re talking about hundreds of millions na.
“Ang iniwan sa akin was 25,000 pesos.
“Sa isang bangko pa lang was, like, PHP116 million.
“Isang bangko pa lang yun. And iniwan was PHP25,000.
“And I don’t know kung bakit kahit na, or whatever, dapat sinasabihan ka ng bangko, di ba?
“Ang binalik lang niya sa akin nun, during that time, was PHP7 million.
“We were still together. Kasi nga, kukunin pa niya sa sino yung mga pinagtaguan niya nung perang yun.
“Kasi, ayoko siyang matulad sa parang na, you know, yung tatay ng mga anak ko magnanakaw.
“Ayoko, ayoko.
“Kaya hindi ko nilaban yung pera noon.
“But now na lumalaki yung mga anak ko, ta’s kukunin mo yung bahay, yung bahay namin, dun na, yun na yung sinabi ng lahat ng tao, ‘Okay. Magba-VAWC na tayo.’
“Kukunin ko na kung ano yung dapat sa akin. Maglabasan na tayo. Sige na.”
Ongoing na raw ang kasong ito sa korte.
“Yeah, it’s ongoing,” sabi ni Claudine.
“And that’s when, you know, I was really, yun nga yung battling with that, that decision.”
HOW ARE HER KIDS REACTING TO THIS?
Naiintindihan kaya ito ng mga anak na sina Sabina at Santino?
Si Sabina ay adopted daughter nina Claudine at Raymart, samantalang si Santino ay kanilang biological son.
Saad ni Claudine: “What’s good with my kids, kasi as I’ve said, they tell me everything.
“Everything talaga. Wala silang tinatago. And I have good… I really have good kids.
“Yun, I think, doon ako blessed. Doon ako blessed talaga.
“I never had a problem with Sabina. She doesn’t give me problems.
“Santino never gave me problems also.
“In-explain ko na, ‘I have to fight for this. Dapat noon ko pa ginawa.’
“I asked for their blessing. Kasi, actually, ayoko naman talaga sila i-drag dito.
“Pero yung sa custody part na yan, kailangan nila ulit mag… umupo sa witness stand.
“So, balik na naman tayo, tapos pupunta ulit yung social worker sa bahay, interviewing a 16-year-old and a 19-year-old.
“Pati nga yung social worker na ano sa amin, e, naawa na sa mga bata.
“So, parang ang point ko, ‘Ah, okay, ano na yung mga anak ko na, mga anak na natin ang tinitira mo? Ang sinasaktan mo? Hindi mo tinatantanan?’
“So, yung mother in me, siyempre we protect again.
“Di ba parang, ‘Ah, iba na to. If I was weak before, ngayon para na akong lion.’
“Do not touch my kids.
“You’re not giving what’s for my kids. You took away what’s for my kids.
“So, you have to give it back.”
Pag-ulit ni Claudine, kailangan niyang lumaban para sa mga anak.
Aniya: “Kasi nung una, parang I was weak pa, e.
“Parang, parang, I couldn’t believe na again, again, ‘Gagawin mo ‘to sa mga anak ko?’
“Parang, ‘Again? Gagawin mo yun?’
Bukod kay Vilma, close din daw ang pamilya ni Claudine sa ama ni Luis na si Edu Manzano
“WALA AKONG PRENUP”
Ano ang pinaka-challenging na napagdaanan niya sa buhay?
Sagot ni Claudine, “Yung lahat ng pinagtrabahuan mo, kinuha.
“Ang pinakamaling mistake na nagawa ko sa buhay ko is wala akong prenup.
“Blood, sweat, and tears yun, e. Literal.
“Para sa mga anak ko yun, para ganyan, yun yung pinaka-lowest ko na pinagdaanan, financially.”
Ang pinaka-highest point naman daw sa buhay niya ay ang kanyang mga anak at ang ina ni Luis na si Vilma.
Sabi ni Claudine kay Luis, “My children, of course. And your mom. And your mom.
“She’s, you know, you don’t know how blessed you are to have such an amazing mother and father, and now I see it in you.
“The way you treat people, you’re so respected.
“I’m not saying this para lang to make you feel good.
“Wala akong nakitang bad part sa both sides, e. Almost parang perfect.”
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Raymart ukol sa mga sinabi ni Claudine.