Nagpaalam na ang karakter ni Lovi Poe sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Batang Quiapo.
Si Lovi ay gumanap bilang si Mokang, ang babaeng minamahal ng bidang si Tanggol (Coco Martin).
Nangyari ang pamamaalam ni Lovi sa Batang Quiapo sa episode kagabi, January 4, 2023, nang saluhin niya ang bala ng baril na dapat ay tatama kay Tanggol.
Ginawang pagkakataon ni Olga (Irma Adlawan) ang pakikipagsagupaan ni Tanggol kay Ramon (Christopher de Leon) para ipaghiganti ang pagkamatay ng kaisa-isa niyang anak na si Greg (RK Bagatsing), matapos nitong mamatay nang magkaengkuwentro sila ni Tanggol.
Habang abala si Tanggol sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Ramon, sinipat naman siya ni Olga para barilin at patayin.
Nakita ni Mokang na nakatutok ang baril ni Olga kay Tanggol kaya dali-dali siyang tumakbo papalit kay Tanggol, kasabay naman ng pagputok ng baril ni Olga.
Dahil dito, tumama ang bala ng baril kay Mokang imbes na kay Tanggol, na naging dahilan ng pagpanaw ni Mokang.
Marami sa mga tagasubaybay ng serye ang nalungkot at nagulat sa sinapit ng karakter ni Lovi.
Sa X (dating Twitter) mabilis na nag-trending ang pamamaalam ni Mokang sa hit serye.
“MOKANG…NOW SIGNING OFF.”
Hindi naman napigilang maging emosyunal ni Lovi na magbalik-tanaw at magpasalamat sa makulay na karakter niya sa Batang Quiapo.
Sa isang madamdaming post sa Instagram, isa-isang pinasalamatan ni Lovi ang mga taong nakasama’t nakatrabaho niya sa serye.
Karangalan daw niyang mapasama sa Batang Quiapo lalo na’t legasiya ito ng kanyang namayapang ama na si “Da King” Fernando Poe Jr.
Mababasa sa caption ni Lovi, kalakip ng video clip kuha sa shooting ng kanilang teleserye (published as is), “I am truly blessed to have been part of a project that represents my father’s name.
“It was a first and it will always mean the world to me. My deepest appreciation to Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity.
“You have given me a missing piece to my puzzle. For that, I will always be grateful.
“A big part of my 2023 was breathing life into a character I have grown to love — what a privilege it was to play Mokang.
“She was a fighter and she taught me how it is to truly be free. It really was a tough decision for me to make but I have decided to turn the page.”
Dagdag pa niya, namaalam man siya sa serye ay mananatiling espesyal sa puso niya ang Batang Quiapo, maging ang mga crew sa likod nito.
Saad ng aktres, “To my Batang Quiapo team, the depth of your creativity and imagination knows no bounds and I know you will continue to soar high.
“I will always be cheering for all of you from afar. Mamimiss ko kayo ng malala.”
Pinasalamatan din ni Lovi ang director-actor na si Coco sa pagpapatuloy ng legasiya ni FPJ.
Mensahe niya, “To my dearest tagapagTANGGOL, maybe in another life?
“Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo.
“Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep.”
Umaasa si Lovi na, nawala man siya sa Batang Quiapo, mananatili ang pagtangkilik ng kanilang mga manonood sa Kapamilya primetime series.
Aniya, “Sa mga nagmamahal kay Mokang, sobrang mahal ko din kayo. Maraming maraming salamat poe.
“Inyong tropa, Mokang…now signing off.”