Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted together at Alabang gastropub

richard gutierrez barbie imperial spotted

Spotted na magkasama ang Kapamilya stars na sina Richard Gutierrez, 39, at Barbie Imperial, 25, sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa, nitong Sabado ng gabi, January 6, 2024.

Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrity.

Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.

Napansin ng mga customer na nakakita kina Richard at Barbie sa gastropup na sobrang kapalagayan nila ang isa’t isa.

“Bantay-sarado ni Chard si Barbie,” sabi ng isang source.

Pinatunayan din ng source ang pagiging gentleman ni Richard kay Barbie dahil inalalayan umano nito ang aktres nang magpunta ito sa comfort room.

Sa kasalukuyan ay hindi malinaw kung ano ang namamagitan kina Richard at Barbie, na naging co-stars sa dating teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang sighting kina Richard at Barbie ang unang pagkakataong nakita ang aktor na may kasamang ibang artistang babae habang mainit ang showbiz isyung hiwalay na si Richard sa asawang si Sarah Lahbati.

Si Diego Loyzaga ang huling aktor na nakarelasyon ni Barbie. Mula nang maghiwalay sila, wala nang alam ang publiko sa mga kaganapan sa personal na buhay ng aktres.