Rob Gomez di pa nababawi ang cell phone mula kay Shaila Rebortera

Kapuso actor Rob Gomez appeals to the authority for the return of his cell phone which was allegedly taken from him by estranged partner Shaila Rebortera. @ROBGOMEZ.23 ON INSTAGRAM

Hindi pa nababawi ni Rob Gomez ang kanyang cell phone na inagaw umano ng dating karelasyon niyang si Shaila Rebortera noong Disyembre 20, 2023.

Importante raw kay Rob na mabawi ang cell phone niya dahil naglalaman ito ng mga larawan nila ng anak nila ni Shaila na si Amelia.

Hindi na nakita ni Rob si Amelia mula nang magkaroon sila ng hidwaan ni Shaila at naging dahilan para lumabas sa kanyang Instagram account ang mga screenshot ng mga pribadong pag-uusap nila ng dating co-stars ng aktor sa Magandang Dilag na sina Herlene Budol at Bianca Manalo.

May tracker ang inagaw na cell phone ni Rob kaya natunton nitong nasa isang tanggapan sa San Isidro, Makati City, ang kanyang personal na gamit.

Nanawagan si Rob sa mga kinauukulang ibalik na sa kanya ang pag-aari niyang cell phone at sapilitan umanong inagaw ni Shaila.

Wala pang pahayag si Shaila kaugnay ng isyung ito.