Vietnamese girl linked to Daniel Padilla issues statement

Vietnamese Min Phuong a.k.a Emma (left) denies rumors linking her to Daniel Padilla’s (rightmost) breakup with Kathryn Bernardo: “Daniel visited Vietnam last year with his friends. Prior to his visit in my country, I have never met him…I saw Daniel and his friends in the bar, exchanged a few words, and then I went back home with my sister. That is the end of my interaction with him.” PHOTO/S: MINH PH??NG INSTAGRAM/FILE

Nagbigay na ng pahayag ang Vietnamese non-showbiz girl na ngayo’y nasasangkot sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ang Vietnamese girl na ito ang itinuturo ng ilang netizens na lihim na nagkaroon umano ng ugnayan kay Daniel noong 2023, habang karelasyon pa ng aktor si Kathryn.

Sa Instagram nitong Lunes, January 15, 2024, isang Vietnamese ang lumantad at nagpakilalang si Min Phuong o Emma.

Sa kanyang post ay mariin niyang itinanggi ang akusasyong may relasyon sila ni Daniel.

Ayon kay Emma, tahimik noon ang buhay niya hanggang sa magbago ito noong nakaraang taon nang simula siyang hantingin ng mga tagahanga ni Daniel at padalhan ng samu’t saring mensahe sa kanyang social media accounts.

Hinala niya, nagsimula siyang idamay sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn makaraang ma-meet niya nang personal ang Kapamilya actor nang minsang magbakasyon ito sa Vietnam kasama ang ilang mga kaibigan.

Kuwento ni Emma, nangyari ang unang pagkikita nila ni Daniel nang magpunta ito sa bar ng kanyang kuya sa Vietnam noong nakaraang taon.

Bilang kilala niyang sikat na aktor si Daniel sa Pilipinas, nilapitan daw ni Emma ang grupo ni Daniel para bumati sa aktor.

Mababasa sa caption ni Emma, kalakip ang screenshots ng mensahe sa kanya ng fans ng KathNiel, “Hello, my name is Minh Phuong (Emma) Since last year, I have received a lot of messages from fans and supporters of Daniel Padilla, a famous actor in the Philippines.

“It is known that Daniel visited Vietnam last year with his friends. Prior to his visit in my country, I have never met him.

“My brother (anh: kuya) owns the bar that Daniel went to. My brother told me that Daniel is there and I can say Hi to him because I know he is a famous actor.

“I saw Daniel and his friends in the bar, exchanged a few words, and then I went back home with my sister. That is the end of my interaction with him.”

Itinanggi rin ni Emma na konektado siya sa isang Instagram user na may pangalang “Johnnymoonlightz,” na panay ang pagla-like sa kanyang mga post.

Hinala kasi ng ilang netizens, si “Johnnymoonlightz” ay dump account sa Instagram ni Daniel.

Vietnamese girl linked to Daniel Padilla issues statement

Ani Emma, “I know you guys love and appreciate your idol. I also feel the same to the artists I support, but please be civilized and polite.

“Please be a cultured person. You guys have threatened my life and my job, sent messages and spammed my family and friends.

“This is something I would not wish to happen to anyone.

“A lot of you guys think that I am someone important, but I want to ask the question: are you accusing me with no proof and all speculations?

“To be clear, I do not know who Johnnymoonlightz is, and I do not care who he is either.”

Sa huli, nakiusap sa publiko si Emma na tigilan na ang pamba-bash sa kanya lalo na’t wala naman daw matibay na basehang may kinalaman siya sa pagkasira ng relasyon nina Daniel at Kathryn.

Aniya, “I am a common Vietnamese citizen. I work, hang out with my friends, meet people, and live my life normally.

“I hope you maintain dignity and respect when coming to my social media, and please do not act without thinking.”

Noong November 30, 2023, kinumpirma nina Kathryn at Daniel na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Ang itinuturong third party sa hiwalayan ng dalawa ay si Andrea Brillantes, na personal umanong nakipagkita kay Kathryn upang ibunyag ang kanilang naging ugnayan ni Daniel.

Maliban kay Andrea, ilan pang kilalang personalidad ang iniuugnay sa kanilang hiwalayan matapos mag-post sa Instagram at Facebok ang nakatatandang kapatid ni Kathryn na si Kaye Bernardo noong January 12.

Kasunod ito ng pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel at sa tatlo pang kapwa niya aktres na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Gillian Vicencio.

Laman ng nakakaintrigang post ni Kaye ang isang litrato ng maskara na may nakasulat na, “WE KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER,” at ang makahulugang caption niyang naglalaman ng mga taong nakalipas:

“(2017, 2018, 2019, 2021, 2023) – [claps, trophy, and masks emojis] and the very first one that I know (2014). [eyes emoji]”

Ayon sa ilang netizens, marahil ang mga taon na nakasulat sa caption ni Kaye ay listahan ng mga taon kung kailan nagtaksil si Daniel kay Kathryn.

Dito na rin lumutang ang pagkakakilanlan ni Emma at ang pangalan ng isa pang kaibigan nina Daniel at Kathryn na si Aeriel Garcia.