Rosanna Roces casually admits seeing Joseph Marco’s private part

Rosanna Roces on Joseph Marco: “Si Joseph, ang masasabi ko diyan… sobrang seryoso, may plano sa buhay. Alam niya kung after ilang years, andito na siya. Pati pag-aasawa niya, nakaplano. Hindi ba siya yung… ano, hindi ba siya yung tira lang nang tira, ganun. O gusto niya ngayon, gusto niya ngayon.” PHOTO/S: JERRY OLEA / INSTAGRAM

Bumilib si Rosanna Roces sa mga bidang babae ng Kapamilya teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso na sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson.

“Hindi mo rin naman matatawaran ang Joseph Marco,” sambit ni Osang o Miss O, mga palayaw ni Rosanna, sa finale mediacon ng Pira-Pirasong Paraiso nitong Enero 17, 2024, Miyerkules ng hapon, sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

Pinuri rin ni Osang ang dalawa pang bidang lalaki ng serye na sina Ronnie Alonte at KD Estrada.

Dagdag ni Rosanna, “Maganda ang experience ko dito. Sobrang sa maiksing panahon, napamahal sila lahat sa akin.

“Siyempre si Joseph Marco, matagal na magkasama kami niyan sa Probinsyano. As in! Naging parang magkapatid na kami dun, ‘no?”

Naka-lock sila noon ni Joseph sa shooting ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Santiago, Ilocos Sur.

“Pati ano niya, nakita ko na!” pagsisiwalat ni Osang.

Kumusta ang nakita niya?

Hirit ni Osang, “Ipinakikita naman nila sa akin! Tinitingnan ko naman siyempre, di ba? Pero walang malisya yun!

“Siyempre mahal ko yan.”

STRIKE TWO

Pangiti-ngiti si Joseph nang hingan ng reaksiyon sa ibinunyag ni Rosanna.

Pahayag ni Joseph, “I love working with Miss O. You know, sobrang maasikaso siya, especially pag naging ka-close mo siya.

“And especially pag nagustuhan ka talaga niya. Kasi, ano yan, e. Black and white yan. If ayaw ka niya, ayaw ka niya. Kung gusto ka niya, gusto ka niya talaga.

“And strike 2 na ako sa kanya. Miss O, strike 2 na ito. Pangalawang beses mo na akong pinatay sa eksena.”

Sambot ni Osang, “Sa Probinsyano, ako ang pumatay sa kanya. Dito, ako rin. So sabi ko, ‘Bumawi ka na lang sa next project natin. Ikaw naman ang pumatay sa akin!’” sabay bungisngis.

Take note na isa si Osang sa mga unang nag-react sa Instagram post ni Joseph noong Valentine’s Day 2023 kung saan may pa-bakat si mayor.

Ang tanging suot ni Joseph sa naturang IG post ay underwear na ineendorso niya.

JOSEPH’S PRIVATE PART

Matapos ang open forum ay nagpaunlak pa si Osang ng panayam kaugnay sa pag-sight niya sa private part ni Joseph.

Kuwento ni Osang, “Ang tagal ko yang kasama sa Probinsyano. So, pag nagsa-sunbathing yan, o nagwo-workout ako, nagkakasabay kami.

“Nung nagsa-sunbathing siya nun, kumakain ako. Sabi ko, ‘Seph, kanin lang to, wala pang ulam! Baka kapiranggot lang, huwag mong ipagdamot,’ sabi kong ganun.”

Nagpaulam si mayor nang walang pag-aalinlangan.

“Napasubo naman ako bigla. Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Osang.

Worth it ba naman yung kanin, na-partner-an ng ulam?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Saktung-sakto lang.”

Anong feeling niya na napapalapit sa kanya ang mga aktor na gaya ni Joseph?

“Parang pamilya ko na si Joseph. Sobra! Hindi mo nga iisipin na ganun siya kabait, ganun siya ka-cowboy,” saad ni Osang.

“Kasi siyempre, heartthrob yung ano niya, di ba? Sosyal, paingles-Ingles. Pero pag kayu-kayo lang, ambait niyan!”

Dati, maraming pogi at male celebs ang nata-touch niya o nagpapahawak sa kanya.

“Ngayon, hindi na puwede! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!” bulalas ni Osang.

Hanggang sulyap na lang siya ngayon?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOT OFFENSIVE

Hindi na-offend si Joseph sa ibinunyag ni Rosanna. OK lang sa aktor kahit makipagbiruan nang pilyo o bastos.

“Parang magkapatid kami niyan, Diyos ko! Kung ikukumpara ang kabastusan namin kay John Estrada na kasama din namin, wala!” sambit ni Osang.

Meron pa bang naging ibang “ulam” si Osang sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano?

Mataginting na naman ang halakhak ni Osang, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi alam mo, nung time na yun kasi, yun yung time na may COVID pa, e.

“So, ginagawa namin lahat para maaliw kami, at yung mental health namin, huwag bumigay. Kasi, di ba?

“Gaya ko, namatayan ako ng nanay. Di ako nakauwi! Kasi hindi ka talaga pabababain. Pabababain ka pero hindi ka na puwedeng bumalik.

“Kasi magku-quarantine ka na naman. Andami nang… andami nang bumibigay. So kami, para huwag bumigay, gagawin namin lahat para lang mapatawa namin ang isa’t isa, maaliw namin yung isa’t isa.

“And successful naman kami dun. Yan, apat kami. Si Michael Flores, si John, si Joseph. Ako, nasa kabilang villa.

“So lagi yan, magkakasama kami araw-araw. Umaga, tanghali, gabi.”

PA-ULAM NI JOSEPH

Naubos ba niya iyong kanin? Ginanahan ba siyang kumain sa pa-ulam ni Joseph? Dakila ba ang ulam?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko matandaan. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa muli ni Osang.

“Mabilis lang! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Si Joseph, ang masasabi ko diyan… sobrang seryoso, may plano sa buhay.

“Alam niya kung after ilang years, andito na siya. Pati pag-aasawa niya, nakaplano. Hindi ba siya yung… ano, hindi ba siya yung tira lang nang tira, ganun. O gusto niya ngayon, gusto niya ngayon.

“Iba! Nakaplano siya nang pangmatagalan. Yung tinatakbo ng career niya, kung kailan hindi na siya maggi-girlfriend, at kung kailan siya mag-aasawa. Planado niya.”

Ang next Kapamilya teleserye ni Osang ay ang Pamilya Sagrado na pangungunahan nina Piolo Pascual, Grae Fernandez, at Kyle Echarri.

Nasa cast din nito sina Tirso Cruz III, John Arcilla, Mylene Dizon, Shaina Magdayao, at ang balik-Kapamilya na si Aiko Melendez.

PIRA-PIRASONG PARAISO

Bale anim na buwan sa ere ang Pira-Pirasong Paraiso, na co-production series mula sa ABS-CBN at TV5. Ito ay sa direksiyon nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Pira-Pirasong Paraiso sa Enero 27, nanganganib ang matagal nang pinapangarap na hiling ng Paraiso sisters na mabuo muli ang kanilang pamilya.

Mas pinalakas pa ni Criselda (Rosanna Roces) ang kanyang puwersa, kasama sina Jacinda (Snooky Serna), Badong (Epy Quizon), at Hilary (Elisse Joson) upang maghiganti at pabagsakin sina Amy (Loisa Andalio), Beth (Alexa Ilacad), at Diana (Charlie Dizon).

Dahil sa malaking dagok sa kanilang buhay, magkaroon pa kaya ng happy ending ang love story sa relasyon ng sweethearts na sina Amy at Jonaf (Ronnie Alonte), ang mag-ex na muling nagkabalikan na sina Diana at Vlad (Joseph Marco), at ang engaged couple na sina Beth at Elon (KD Estrada)?

Tutukan ang Pira-Pirasong Paraiso, Lunes hanggang Biyernes ng 2:00 p.m. at kada Sabado ng 3:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.