Kathryn Bernardo bonds with John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Mr. M amid rumored management transfer

Spotted si Kathryn Bernardo kasama ang ilan sa malalaking artistang sumikat sa bakuran ng ABS-CBN, tulad niya.

Kasama rito sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Bea Alonzo, at Maja Salvador.

Star Magic A-listers

Ang mga nabanggit ay seniors ni Kathryn, at silang lahat ay homegrown talents na napasikat ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Lumalabas na ang host ng pagtitipon ay si Johnny Manahan, a.k.a. Mr. M, na co-founder at dating presidente ng Star Magic.

Nag-post ng pasasalamat si John Lloyd via Instagram kaugnay ng kanilang get-together.

Sabi ng aktor, “Pardon me while I burst but thank you Mr. M and Tita Mariole for today. Thank you @piolo_pascual @jerichorosalesofficial @beaalonzo @maja @bernardokath Keren Pascual, Ate Grace and your son and everyone around you who make your star shine so bright they humble and make me kind of special.”

Sabi pa ni John Lloyd, “We missed you @iamhearte and @officialdietherocampo…” pagtukoy kina Heart Evangelista at Diether Ocampo.

“Til we meet again,” pagtatapos ni John Lloyd na umaasang mauulit ang kanilang pagkikita.

Nag-post din si Bea ng ilang kuha mula sa kanilang get-together.

Star Magic A-listers

PHOTO/S: @BEAALONZO ON INSTAGRAM

(L-R) Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Mariole Alberto, Johnny Manahan, Jericho Rosales, Bea Alonzo, Keren Pascual, John Lloyd Cruz, and Piolo Pascual.

KATHRYN IN THE HOUSE

Refreshing na makita sa grupo si Kathryn, na bagamat mas junior sa mga artistang nabanggit ay isa ring “Mr. M baby” — tawag sa mga artistang napasikat noong head pa si Mr. M ng Star Magic.

Makikita pa si Kathryn sa pictures na laging kadikit ni Maja, na nagtayo ng sariling talent management agency, ang Crown Artist Management (CAM), kung saan talents dito sina John Lloyd at Miles Ocampo, na dati ring Star Magic artists.

Kaugnay nito, lumabas ang report ng PEP Troika noong January 23, 2024 tungkol sa bagong talents na pipirma sa CAM. Naging usap-usapan na ang management ni Maja na ang magha-handle ng career ni Kathryn.

Naglabas ng follow-up report ang PEP Troika kinabukasan, January 24, at pinabulaanan ang usap-usapang paglipat ng management team ni Kathryn.

Sinabi rin daw umano ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa mga malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya na mananatili sa Star Magic si Kathryn.

Kinunan din ng Troika ng reaction ang CAM chief executive officer na si Rambo Nuñez, mister ni Maja, tungkol sa bulung-bulungang pipirma umano sa kanila si Kathryn.

Ani Rambo, “I really don’t have any statement because I’m not aware of anything regarding that.”