Bea Alonzo’s road manager posts cryptic message about “manipulative sad boi”; is it Dominic Roque?

May kinalaman ba sa hinihinalang hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque ang post ng road manager ng aktres?

Noong February 3, 2024, nag-post sa Instagram Threads ang road manager ni Bea na si Nina Ferrer.

Bukod sa pagiging bahagi ng team ni Bea, malapit si Nina sa aktres at saksi rin ito sa pag-iibigan ng couple.

Nag-repost si Nina ng definition ng urban slang term na “manipulative sad boi,” pero wala siyang direktang binanggit kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

Sabi rito, “Any guy who’ll try to convince someone that they’re the victim of the situation.

“They’ll make you believe that you’re in the wrong and that you’re the one who should be feeling guilty.

“Toying with your mind, they’re seriously just bad news.”

Nina Ferrer cryptic post appears to be related to Bea Alonzo and Dominic Roque rumored breakup

Ni-repost din ito ni Ting Duque, na kilalang celebrity make-up artist ni Bea.

Dagdag na caption ni Ting patungkol sa di pinangalanang “manipulative sad boi,” “They should be stopped.”

Ting Duque reacts to Nina Ferrer manipulative sad boi

DOMINIC’S “SAD BOY” POSTS

Hindi maiwasang maikonekta ang post ni Nina sa estado ng relasyon nina Bea at Dominic.

As early as January 19, umingay ang usap-usapan ng netizens na on the rocks ang relasyon nina Bea at Dominic.

Ito ay matapos mag-post si Dominic ng solo picture niyang nakanguso siya kalakip ng caption na question mark.

Dominic Roque sad boy post

Sa comments section, napatanong ang followers ni Dominic kung may problema ba sila ni Bea.

Bea Alonzo and Dominic Roque rumored breakup

Napansin pa ng ibang commenters na “sad boy” ang hitsura ni Dominic sa mga sumunod pa niyang IG posts na solo pictures niya.

Bea Alonzo and Dominic Roque rumored breakup

Kaya marami sa followers nila ni Bea ang nagpaabot ng mensahe na sana ay huwag daw silang matulad sa ibang showbiz couples na nauwi sa hiwalayan.

Bea Alonzo and Dominic Roque rumored breakup

Nami-miss na rin ng mga ito ang sweet photos ng couple.

Bea Alonzo and Dominic Roque rumored breakup

Habang isinusulat ang artikulong ito, kapansin-pansin namang naka-close ang comments section sa throwback post ni Dominic na kuha sa tabing-dagat.

Sa comments section niyon ay marami ang nagtatanong tungkol sa real score sa pagitan nila ni Bea.

BEA AND DOMINIC’S LAST PHOTOS TOGETHER

January 4, 2024 nang huling mag-post si Dominic ng litrato nila ni Bea na kuha sa bahay ng aktres noong December 25, 2023.

Kasama ng couple sa pictures ang dalawang alaga nilang aso na tinawag ni Dominic na “#OurBabies #WalterAndChico.”

Nag-reply pa noon si Bea ng “Hahhaha mga suplado.”

Sa IG account ni Bea, ang huling post ng aktres na kasama si Dominic ay noon pang January 8. Kuha naman ang pictures mula sa Christmas vacation nila sa Jaoan.

Bahagi ng caption ni Bea, “Japan will never get old for us. After all, it is where our love story began.”

Ang tinutukoy ni Bea na simula ng love story nila ay nang sinundan siya ni Dominic sa pagbabakasyon niya sa Japan noong October 2019.

Lalo pang naghinala ang netizens na may problema ang couple dahil hindi tugma ang mga sagot ng mga ito tungkol sa wedding preparations nila.

Sa panayam kay Dominic noong January 20, kinumpirma niyang imbitado si Kathryn Bernardo sa kasal nila ni Bea.

Ito’y kahit wala pang isinasapublikong petsa sina Dominic at Bea kung kailan magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib, matapos nilang ma-engage noong July 18, 2023.

Sa hiwalay na panayam kay Bea noong February 1, sinabi nitong wala pang invited guests sa inaasahang wedding nila ni Dominic.

Hindi pa raw siya makapagpokus sa wedding preparations dahil abala siya sa mga gagawin niyang proyekto ngayong taon.

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.