Ogie D, sa nalamang tagpo umano nina Bea at Dominic: “Ewan ko kung totoo ha”

– Naikwento ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanya tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque

– Ito ay matapos maibalita raw umano ni Jobert Sucaldito ang narinig na boses sa Zoom meeting ni Dominic

– Ayon sa source ni Ogie, nagpunta na at natulog pa umano si Dominic sa bahay ni Bea bago ito mag-Singapore

– Gayunpaman, mainam na sina Bea at Dominic mismo ang magkumpirma o maaring mag-deny ng kaganapang ito ayon kay Ogie D

Naibahagi ni Ogie Diaz sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel ang nakarating sa kanya tungkol umano kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ogie D, sa nalamang tagpo umano nina Bea at Dominic: "Ewan ko kung totoo ha"

Una muna niyang nabanggit ang naibalita rin ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito tungkol pa rin sa BeaDom.

Aniya, isang source ang nakapagsabi sa kanyang nagtutungo na umano si Dominic bahay nina Bea.

At maging nang bumalik daw si Bea at kanyang pamilya mula sa Singapore ay muling nagpunta si Dominic sa tahanan ni Bea kung saan daw ito natulog.

Gayunpaman, patuloy ang paalala ni Ogie na mas mainam kung ang dalawa mismo ang ang magkumpirma o maari rin namang mag-deny sa mga nababalitang ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang “Fast Talk with Boy Abunda”. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano’y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

At nito lamang Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.