Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Eat Bulaga! war timeline

History in the making ang Eat Bulaga! war na yumanig sa TV landscape ngayong 2023.

Hindi lang basta major changes sa format ng long-running noontime shows ang naganap, kundi nagkaroon ng breakaway o di kaya ay lipatan ng TV network kung saan mapapanood ang mga ito.

Ang tatlong bigating noontime shows na magtatapatan: Eat Bulaga!, bagong TVJ noontime show, at It’s Showtime.

Ang Eat Bulaga! na pinoprodyus ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ay nasa GMA-7, ang bagong TVJ show ay nasa TV5, habang ang It’s Showtime ay nasa A2Z, GTV, at Kapamilya Channel.

Nagsimula ang rigodon sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!

Ang TVJ o ang big three ng Eat Bulaga! na sina Tito SottoVic Sotto, at Joey de Leon ay nagpaalam sa TAPE Inc. via Facebook Live noong May 31, 2023.

Hindi na sila umere sa telebisyon.

Ito ang resulta ng ilang buwang hidwaan sa pagitan ng Dabarkads at bagong management ng TAPE Inc.

Ang TAPE Inc. ay pagmamay-ari ni Romy Jalosjos, na may 75 percent stake, at Tony Tuviera, na may 25 percent stake sa production company.

Ang TVJ ang co-founders at pioneer hosts ng Eat Bulaga! sa loob ng 44 na taon.

Sa special report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), alamin ang timeline of events ng Eat Bulaga! war sangkot ang TVJ at pamilya Jalosjos, pati na ang sanga-sangang isyu na nagresulta sa rigodon ng noontime shows sa bansa.

Ang mga reference ay mga inside info na naiulat ng PEP.ph mula sa showbiz insiders at iba-ibang panayam ng PEP.ph sa mga sangkot na tao mula March hanggang July 2023.

JANUARY 2023: TITO SOTTO AND ROMY JALOSJOS

Sumambulat sa TVJ ang kagustuhan ng pamilya Jalosjos na magkaroon ng major overhaul sa produksyon ng Eat Bulaga! noong January 2023.

Nakipag-meeting si Romy kay Tito, base sa salaysay ni Tito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph noong April 26.

Sinabi raw ni Romy na “nalulugi” ang Eat Bulaga! kaya kailangang ayusin ang “salary scale” ng mga empleyado at mag-reinvent ng segments ng programa.

Nasorpresa raw si Tito sa plano ni Romy.

Pinayuhan daw niya ito na hindi basta puwedeng magtanggal ng mga empleyado, dahil marami sa mga ito ay matagal na sa kumpanya, at baka magkaproblema sa DOLE.

Hindi raw sumang-ayon si Tito sa plano ni Romy. Ang tanging sinabi raw ni Tito ay ipararating niya kina Vic at Joey ang sitwasyon.

Tito Sotto

FEBRUARY 28, 2023: THE GENERAL ASSEMBLY WITH DABARKADS

Lingid sa kaalaman ng publiko, nagkaroon ng General Assembly ang Dabarkads noong February 28, 2023.

WHAT TITO SOTTO SAID

Ayon sa salaysay ni Tito, ang nagpatawag ng meeting ay si Tony kaya dumalo ang lahat ng stars at staff ng Eat Bulaga!

Pero ang nagsalita raw sa meeting ay si Romy.

Inanunsiyo raw ni Romy na ang mga anak niya na sina Jon, Bullet, at Soraya Jalosjos—na dati nang board members ng TAPE—ay magiging aktibo na sa pagpapatakbo ng daily operations ng Eat Bulaga!

Doon din daw isinapubliko ni Romy ang boluntaryong pagreretiro ni Tony bilang president at CEO ng TAPE Inc.

Si Jon ang pumalit na president at CEO, habang magiging aktibo pa rin si Romy bilang chairman. Si Bullet ang chief finance officer, at si Soraya ang EVP for production.

Pero ayon kay Tito, ang pamilya Jalojosjos ang gustong magparetiro kay Tony.

Lumabas din daw sa meeting na hindi lang basta “reinvention” ang plano ni Romy para sa Eat Bulaga!. Gusto rin daw ni Romy na magpalit ng hosts at segments ng programa.

Lumikha ito ng matinding pangamba sa Dabarkads, na hindi mawari kung may trabaho pa ba silang aasahan.

WHAT JALOSJOS BROTHERS SAID

Pinabulaanan ng magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos ang kuwento ni Tito.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph, ipinaliwanag nina Jon at Bullet na wala raw silang sinabing nalulugi ang Eat Bulaga!

Gusto lang daw nila ayusin ang “fiscal year” o 12-month accounting period ng Eat Bulaga!, dahil napansin nilang hindi balanse ang earning at expenditure ng show.

Ayon kay Jon, hindi naman daw kaagad nakukuha ang earnings ng show dahil may 2-3 months window time daw para sa pagbayad ng advertisers. Kaya kung malaki raw ang expenditures ay baka makaapekto sa pagpapaandar ng show.

Sinabi rin ng magkapatid na Jalosjos na may nasilip na “discrepancies” dahil may mga tao raw na kumukuha ng cash advance mula sa retirement pay kahit hindi pa raw nagreretiro.

Umabot daw ng P15M ang pagbale o pag-advance ng hindi lang isa kundi ilang di pinangalanang tao sa Eat Bulaga! Nagpa-external audit na raw ang TAPE Inc. para rito, at inaasahang matatapos ngayong Hulyo.

Para siguruhing ang “continuity” o tumagal pa sa ere ang show, kinailangan daw talaga na magkaroon ng mga pagbabago.

Ayon kay Jon, totoong noong una ay may mga hosts—except TVJ—na planong tanggalin ang TAPE. Pero hindi raw iyon natuloy dahil sa ongoing negotiation ng TAPE sa TVJ.

Pati ang paycut na plano ng TAPE Inc. ay hindi rin daw natuloy dahil sumang-ayon daw sina Jon at Bullet sa apela ni Vic na huwag idamay ang maliliit na empleyado.

Ang tanging naipatupad daw sa negosasyon ng TAPE Inc. at TVJ ay ang temporary suspension ng “allowances” ng higher-ups sa Eat Bulaga! Nangako pa raw si Jon na ili-lift ang suspension after ilang months.

Eat Bulaga! war timeline

MARCH 1, 2023: WORD GETS OUT ABOUT EAT BULAGA! WAR

March 2023 nang unti-unting maisapubliko ang gulo sa loob ng Eat Bulaga!

Noong March 1, 2023, lumabas ang blind item ng PEP Troika sa PEP.ph na may titulong “Long-running show, magkakaroon ng malaking pagbabago sa pag-alis ng isang well-loved personality.”

Mabilis na nahulaan ng netizens na Eat Bulaga! ang tinutukoy ng blind item at ang sinasabing “well-loved personality” na tila magpapaalam sa show ay si Mr. T.

Naging palaisipan kung ano ang sinasabing “major changes” sa noontime show at kung ano ang reaksyon ng “mga taong itinuturing na poste” ng program, na natukoy ng netizens na sina Tito, Vic, at Joey.

Naging hudyat ito ng sunud-sunod na balita sa PEP.ph at ibang media outfits tungkol sa kinahaharap na problema ng Eat Bulaga!.

Itinuturing na institusyon sa Philippine entertainment industry ang show kaya malaking impact sa TV landscape kung anuman ang kahihinatnan nito.

Eat Bulaga! war timeline

MARCH 2, 2023: JALOSJOS CHILDREN MEETING WITH GMA EXECS

Nakipag-meeting ang mga anak ni Romy sa GMA Network executives.

Ang agenda ng meeting, ipinaalam nila sa GMA management na sila na ang namamahala ng Television and Productions Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng Eat Bulaga!

Present din sa meeting si Tony, na co-owner ng TAPE Inc. at siyang namamahala sa daily operations ng Eat Bulaga! sa loob ng 44 taon.

Base ito sa ulat ng Cabinet Files sa PEP.ph noong March 3.

Nabanggit din dito na co-owners si Romy at Tony sa TAPE Inc., pero ang majority ng share ay na kay Romy.

Ipinaubaya raw ni Romy sa mga anak niya na sina Jonjon, Bullet, at Soraya ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ito ang naging hudyat ng mga napipintong pagbabago sa Eat Bulaga!

Bullet Jalosjos and Eat Bulaga!

MARCH 3-4: TITO SOTTO AND JOEY DE LEON’S CRYPTIC REACTIONS

Hindi nagpatinag ang Dabarkads sa isyu.

Si Tito, nanindigan na solid sila ni Tony. Sabi pa ni Tito, “Tito and Tony last night! Who says we’re splitting?”

Si Joey, nag-repost ng balita tungkol sa sinasabing “rebranding” ng Eat Bulaga!.

Pero wala siyang ibang sinabing detalye kundi natutuwa siya na napag-uusapan pa rin ang show.

Kinabukasan, March 4, walang binanggit ang Dabarkads tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanilang programa.

Pero kapansin-pansin ang pagbalik-tanaw nina Tito at Joey sa kung paano nagsimula ang Eat Bulaga!.

Tulung-tulong daw ang TVJ mula sa pagbuo ng programa noon, hanggang sa kasalukuyan.

Malaman naman ang hirit ni Tito sa pagiging solid ng Dabarkads, “Keep it up! Keep up the good work! Walang dapat baguhin sa production ng Eat Bulaga!

Eat Bulaga! on RPN-9

MARCH 4 & 6: DABARKADS STATUS IN EAT BULAGA!

Kahit na tahimik ang Dabarkads at management ng TAPE Inc., patuloy ang espekulasyon sa gulo sa loob ng Eat Bulaga!.

Noong March 4 and 6, inulat ng PEP Troika na usap-usapan ang cost-cutting measures na gustong ipatupad ng bagong management ng Eat Bulaga!

Pinagre-resign umano ang lahat ng hosts, at saka ire-rehire na lang uli, pero may kaltas na sa talent fee ng mga ito.

May bali-balita pa raw na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Allan K lang ang gustong i-retain sa show ng management.

Maging ang production people ng Eat Bulaga! ay “floating” kung ano ang mangyayari sa show.

Pero mabilis din ang pagkilos ng ibang producer.

Napag-alaman ng PEP Troika na kinakausap ng Net25 ang TVJ para sa posibleng programa roon sakaling umalis ang TVJ sa Eat Bulaga!

Eat Bulaga! with previous hosts

MARCH 6, MARCH 16 & APRIL 16: JALOSJOS REACTIONS

Sa gitna ng kontrobersiya, pinabulaanan ng management ng TAPE Inc. ang mga kumakalat na balita tungkol sa Eat Bulaga!

Noong March 6, inulat ng Cabinet Files ng PEP.ph na nangako si Bullet na bibigyang-linaw niya ang mga isyung binabato sa Eat Bulaga!.

March 16 nang maglabas si Bullet ng maiksing pahayag sa Cabinet Files. Sabi ni Bullet, “fake news” ang mga haka-haka tungkol sa long-running noontime show.

Hindi gaanong nagdetalye si Bullet, dahil plano raw ng TAPE Inc. na magtawag ng presscon sa petsang April 15.

Pero hindi natuloy ang presscon.

Noong April 16, sumalang sa Fast Talk With Boy Abunda si Bullet upang siguruhin na mananatili ang TVJ at iba pang Dabarkads sa Eat Bulaga!

Nilinaw din ni Bullet na hindi totoo ang isyung may problema sa pera ang Eat Bulaga! Aniya, financially stable ang kumpanya.

Bullet Jalosjos and TVJ

APRIL 26: TITO SOTTO’S TELL-ALL INTERVIEW

Umalma si Tito sa aniya’y mga kasinungalingang ipinakalat ni Bullet.

MONEY ISSUES

Sa panayam ng PEP.ph noong April 26, idinetalye ni Tito ang mga isyu sa kaperahan ng Eat Bulaga!

Unang kuwinestiyon ni Tito kung bakit nasabi ng pamilya Jalosjos na “nalulugi” ang TAPE Inc., gayong napag-alaman daw niya mula sa Security And Exchange Commission na PHP213 million ang “net profit” ng Eat Bulaga! para lamang sa 2022.

May PHP400M din daw na kinita ang Eat Bulaga! mula sa advertisements noong 2022 elections. Tanong ni Tito, saan napunta ang perang iyon?

Inireklamo rin ni Tito na tig-PHP30 million o lampas pa ang utang ng TAPE na talent fee kina Vic at Joey para sa taong 2022.

Ipinakita pa raw ni Jon kay Tito ang listahan ng utang ng TAPE.

Eat Bulaga! war timeline

REINVENTION OF HOSTS

Kinumpirma rin ni Tito sa PEP.ph na totoo ang balitang ang gusto lang umanong i-retain ng TAPE na hosts ay sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Allan K.

Habang sina Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, at Ryzza Mae Dizon ay gusto raw tanggalin ng TAPE.

May narinig pa raw si Tito na pati TVJ ay babawasan ang araw ng pagpasok sa Eat Bulaga! at gagawing M-W-F na lamang.

Gusto rin daw palitan ng TAPE ang director na si Poochie Rivero at head ng production na si Jenny Ferre. Tinawag ni Tito si Ferre na “may-ari” ng sikat na segments ng Eat Bulaga! tulad ng “Pinoy Henyo” at “Bawal Judgemental.”

Ang mga pangyayaring ito ang nag-udyok daw sa TVJ na basagin ang pananahimik sa isyu.

POSSIBILITY OF NETWORK TRANSFER

As early as April 26, inamin ni Tito sa PEP.ph na kumonsulta na ang TVJ sa abugado dahil sa kinahaharap na isyu.

Posible raw na lumipat ang TVJ sa ibang TV network at dadalhin nila ang show na Eat Bulaga! para raw sa kapakanan ng mga maliliit na empleyado. May offers daw ang TVJ sa dalawang networks.

MAY 8, 2023: VIC SOTTO ON TAPE’S UTANG

Tahimik si Vic sa kontrobersiyang kinahaharap ng TVJ, pero hindi siya nakaligtas sa press nang humarap siya sa mediacon ng bago niyang sitcom na Open 24/7.

Direktang tinanong si Vic tungkol sa utang na talent fee sa kanya ng TAPE.

Prangka rin namang sumagot si Vic na “bayad na” ang delayed talent fee niya, na aniya ay hindi lang PHP30 million ang halaga.

Binayaran daw ito ng pamilya Jalosjos matapos mailantad sa media ang kontrobersiya.

Nang tanungin si Vic kung hudyat ito ng simula ng pagkakaayos ng TVJ at ng TAPE, umiwas magbitaw ng salita ang sikat at respetadong actor-host.

Basta magsasalita raw siya sa tamang panahon.

Eat Bulaga! war timeline

MAY 31, 2023: TVJ LEAVES EAT BULAGA!

Halos tatlong linggo ring may ceasefire sa pagitan ng TVJ at ng TAPE Inc.

Pero calm before the storm lamang pala iyon, dahil pagsapit ng May 31 ay kumalas ang TVJ sa TAPE.

Replay ang pinalabas sa 12 noon timeslot ng Eat Bulaga!, kaya sa livestreaming via Eat Bulaga! Facebook lamang nakapag-anunsiyo ang TVJ na nag-resign na sila sa TAPE.

Noong araw ding iyon ay nagpasa ng resignation letter ang Dabarkads at pirmado ito nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza.

Noong araw ding iyon ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph editor in chief na si Jo-Ann Maglipon si Tito.

Sa pamamagitan ng phone call, idinetalye ni Tito ang aniya’y “exodus” ng Dabarkads sa Eat Bulaga!

Isiniwalat din ni Tito ang plano ng TVJ na ilaban na pagmamay-ari nila ang Eat Bulaga! trademark dahil sila ang co-founders ng show mula noong 1979.

Sabi pa ni Tito sa PEP.ph, may mga TV offers ang TVJ, pero wala pa raw silang pinal na plano noon. Taliwas ito sa naunang ulat sa Cabinet Files ng PEP.ph na May 29 pa lang ay kasado na ang paglipat ng TVJ sa TV5.

Ikinalungkot naman ng GMA-7 management na hindi nagkaayos ang TVJ at ang TAPE.

Sa panayam kay GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, nilinaw niya na walang kinakampihan ang GMA-7 sa gulo sa pagitan ng TVJ at ng TAPE.

Binding ang blocktime agreement ng GMA-7 at TAPE Inc., at susundin din daw ng Kapuso Network ang dalawa pang taong kontrata nila sa TAPE Inc.

Eat Bulaga! last day

ULY 3: TELL-ALL INTERVIEW OF JON & BULLET JALOSJOS

July 3 nang eksklusibong humarap sa PEP.ph ang magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos.

ISSUE ON UTANG NA TALENT FEE

May kontra-pahayag sina Jon at Bullet tungkol sa utang na talent fee ng TAPE kina Vic at Joey.

Nilinaw nila na hindi pa sila ang nakaupong management nang magkaroon ng utang ang TAPE kina Vic at Joey noong 2022.

Diin ng Jalosjos brothers, taong 2023 lamang sila naging aktibo sa daily operations ng Eat Bulaga!

Ayon kay Bullet, nang malaman niya na may utang ang TAPE kina Vic at Joey ay agad nila itong dinouble check ni Jon, at agad ding binayaran. On-time raw ang pasuweldo sa Dabarkads mula nang mupong management ang Jalosjos siblings.

ON NEGOTIATIONS WITH TVJ

Ipinagtataka naman ni Jon kung bakit hindi pumapayag ang TVJ na magkaroon ng kontrata sa TAPE.

Binigyan pa raw niya ng option ang TVJ na ang mga ito ang mag-set kung ilang taon ang kontrata para mawala ang takot ng mga ito na baka matanggal sila sa show.

Pero mismong ang TVJ daw ang may ayaw na may kontrata sila, dahil nasanay daw sila sa loob ng 44 taon na tanging word of honor lang ang basehan ng kanilang relasyon sa TAPE.

Ayon kay Jon, tumanggi rin ang TVJ sa offer ng TAPE na profit-sharing “across the board” kasama ang mga janitor at ibang empleyado.

DISRESPECTED BY DABARKADS?

Sa eksklusibo pa ring panayam ng PEP.ph, inamin nina Jon at Bullet na kailanman ay hindi raw sila tinuring ng Dabarkads na pamilya o producer ng show.

Kahit na sina Jon, Bullet, at Soraya ang mga anak ng majority shareholder ng kumpanya ay hindi raw sila naipapakilala sa Christmas parties.

Hindi rin daw basta-basta nakakapasok ang magkakapatid na Jalosjos sa dressing rooms ng mga artista. Kailangan pa raw ng tagapamagitan tulad ni Tony.

Tingin ng magkapatid na Jalosjos, may “resistance” ang TVJ sa bagong sistema ng pamamalakad ng bagong management.

Ramdam daw nila ito dahil sa ilang beses na pagdiin ng Tito na waring hiwalay na entities ang pamilya Jalosjos na financier ng show at ang Dabarkads na in charge sa production.

Mali naman daw na hindi kilalanin ang kontribusyon ng board, dahil ilang beses din daw silang nagpaluwal ng pera para magpatuloy ang Eat Bulaga! sa mga panahong mababa ang kita nito.

EAT BULAGA! TRADEMARK

Sa isyu ng Eat Bulaga! trademark, nanindigan sina Jon at Bullet na pagmamay-ari ito ng TAPE.

Nag-renew daw ang TAPE ng registration ng Eat Bulaga! trademark sa Intellectual Property Office of The Philippines.

Ipinakita rin ng magkapatid na Jalosjos na nakarehistro rin sa TAPE ang sikat na segments ng Eat Bulaga! tulad ng “Pinoy Henyo” at “Bawal Judgemental” kaya sila raw ang may karapatang gumamit nito.

Isko Moreno and Buboy Villar on Eat Bulaga!

ON TONY TUVIERA

Nilinaw din nina Jon at Bullet na maayos ang relasyon nila kay Tony.

Wala raw pahintulot ni Tony ang pagsama sa pangalan nito sa application ng TVJ na maiparehistro ang Eat Bulaga! trademark.

Sa isyu ng pagreretiro ni Tony bilang president at CEO ng TAPE, sa pagkakaalam daw ni Jon ay pre-pandemic pa gusto ni Tony na magbitiw sa puwesto.