It’s Your Lucky Day hosts reunite; netizens speculate show’s comeback

Ikina-excite ng netizens ang muling pagsasama-sama ng hosts ng defunct noontime show na It’s Your Lucky Day.

Noong March 11, 2024, nag-post si Luis Manzano sa Instagram ng isang video kung saan makikitang kasama niya ang It’s Your Lucky Day co-hosts niyang sina Shaina MagdayaoMelai CantiverosJennica GarciaRobi DomingoFrancine DiazSeth Fedelin, Long Mejia, at Negi habang sila’y nasa isang studio sa ABS-CBN.

Kalakip nito ang caption na, “Bakit kaya magkakasama kami ulit [laughing in tears emoji] Hey hey!”

“Heto na naman…magkakasama na naman tayo.

Saad ni Luis sa video habang ipinapakita niya ang mga kasamahan, “Bakit nga ba magkakasama kami?”

Hirit naman ni Long, “Abangan niyo na. Malapit na.”

Dagdag pa ni Shaina, “Isa na namang station ID.”

It’s Your Lucky Day hosts reunite

NETIZENS REACT

Sa comments section ng post ni Luis ay bumuhos ang komento mula sa kanilang mga tagahanga.

Marami rito ang ngayon pa lang ay nae-excite na sa posibilidad na pagbabalik sa ere ng It’s Your Lucky Day.

Komento ng isang netizen (published as is), “Nangangamoy it’s your lucky day comeback.”

Saad pa ng isa, “Pag ito bumalik eto na papanoorin ko tas manood rin ako ng live.”

Sabi ng isa, “Hopefully bumalik na talaga!!! Sobrang saya ng show.”

May ilang fans pa ang naghinalang baka ang It’s Your Lucky Day raw ang pumalit sa Tahanang Pinakamasaya, na noong March 7 ay nagtapos na rin ang pag-ere sa GMA-7.

Melai Cantiveros Ready Na Sa Ikalawang Araw Ng 'It's Your Lucky Day'

Sabi ng netizen, “Hala baka kayo na ipapalit sa tahanang pinakamasaya slot.”

Hirit pa ng isa, “Sana yung It’s Your Lucky Day nalang ang ipalit sa noon time show slot sa GMA ..Nakakamis na silang panoorin tuwing tanghalian.”

Ang It’s Your Lucky Day ang panandaliang humalili sa It’s Showtime sa loob ng labindalawang araw matapos itong patawan ng suspension order ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Hindi na ito sinalungat pa ng ABS-CBN.

Noong October 14, 2023, nagsimulang umere ang It’s Your Lucky Day hanggang sa magtapos sila noong October 27.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tiyak na detalye kung bakit muling nagsama-sama ang hosts ng It’s Your Lucky Day, maging ang espekulasyong magbabalik ito sa ere.