Ruby Rodriguez reveals she kept job hunting in the U.S. a secret from Eat Bulaga!

Isiniwalat ni Ruby Rodriguez na hindi niya ipinaalam noon sa kinabibilangang noontime show na Eat Bulaga! ang paghahanap niya ng trabaho sa U.S.

Halos dalawang taon na ngayong nagtatrabaho si Ruby bilang staff member sa Philippine Consulate Office sa Los Angeles, California.

Originally, nakatakda sana siyang magsimulang magtrabaho sa Philippine Consulate noong April 2020, subalit nangyari ang pandemya.

Nakalipad si Ruby papuntang U.S. noong Mayo 2021 at saka nagsimula sa bagong trabaho.

Bago ito, 31 taong naging co-host si Ruby sa longest-running noontime show na Eat Bulaga!.

Sa interview sa kanya ng U.S.-based Filipina host na si Jannelle So na lumabas sa YouTube noong March 6, 2024, ibinahagi ni Ruby kung paano siya naghanap at nakakuha ng trabaho sa U.S.

RUBY APPLIES FOR A JOB

Hindi itinago ni Ruby na ang primary reason kung bakit nagpunta siya sa Amerika, kasama ang buo niyang pamilya, ay para maipagamot ang kanyang bunsong anak na may special needs.

Kinailangan niyang maghanap ng trabaho roon para may pangsuporta oras na mag-migrate sila.

Inilihim daw ni Ruby ang plano niyang ito.

Saad niya, “I kept quiet. It’s my private life. This is private.

“I was quiet about it because you don’t know what will happen, okay. That’s why I kept quiet.

“If it pushed through, they will know. If it doesn’t push through, no harm done. Image intact.”

Hindi rin daw niya ipinaalam ang kanyang plano sa mga katrabaho sa Eat Bulaga!, maliban sa kanyang best friend na si Pauleen Luna.

“They didn’t know. They didn’t know,” diin ni Ruby.

“The only person who knew what I was doing that’s in this business was Pauleen Luna because she’s my best friend.

“And I know she’ll keep quiet about it.”

Bagamat nalungkot daw noon si Pauleen ay hindi niya pinigilan si Ruby sa ginagawa nito para sa kanyang anak.