Wilbert Ross at Nikko Natividad, nagbigay ng opinyon sa hipuan issue ni Apo Whang-od

Umayon sina Wilbert Ross at Nikko Natividad sa opinyon ng ilang netizens na kontra sa ginagawang panghihipo ng pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od sa pribadong parte ng katawan ng mga lalaking kliyente nito.

Kabilang na rito ang pinag-uusapan ngayong panghihipo niya sa aktor na si Piolo Pascual.

Read: Apo Whang-od, biktima ng cancel culture dahil sa panghihipo kay Piolo Pascual

Nakatsikahan namin sa DZRH ang lead actors ng Viva Films movie na Pagpag 24/7, sina Wilbert at Nikko.

Sabi ni Nikko sa isyung ito, paano raw kung matandang lalaki ang gumawa nito sa kababaihan?

Saad niya, “Yun din po yung problema, e. Kasi paano kung lalaki yung nagta-tattoo na matanda, tapos ginawa yun, di ba?

“Gusto natin ipalaganap yung equality daw, yung gender equality… dapat pantay.

“Pero pag lalaki yung gumawa, magagalit, di ba? Pero pag babae, okay lang.

“Pero sa akin po, personally, kasi nga dahil lalaki naman ako. Pero kung gaganunin ako ni Apo Whang-od, parang wala lang sa akin.

“Pero siyempre, paano naman sa iba?”

Read: Nikko Natividad, totoo bang “virgin” sa halikan at paghuhubad on-screen?

Para naman kay Wilbert, nasa tao kung papayag itong magpahipo.

“Sa akin po, wala po siya sa gender kung babae o lalaki. So, it’s about kung may consent.

“Kunwari po, ha? Sabihin natin lalaki yung nagta-tattoo, tapos yung babae ang hinawakan. E, yung babae naman, may consent naman.

“At the end of the day, it’s about consent naman, e. It’s not about gender na babae o lalaki ganun.

“Para sa akin, hindi naman malaking bagay kung gagawin niya yun. Hindi naman siguro pisil-pisilin ng ganito,” napangiting pakli ni Wilbert.

Read: Wilbert Ross, tinakpan ng mga tattoo ang pananakit sa sarili

JERRY OLEA

Hindi nakaligtas sina Wilbert at Nikko na nakaranas na mahipuan sa ilang raket nila, lalo na noong aktibo pa ang kinabinilangan nilang all-male group na Hashtags.

“Kung ipapaalam… minsan naman po kasi, pag nagsu-show kami. Minsan parang unfair, merong hahalikan ka sa lips o sa leeg. Siyempre, umiiwas kami, di ba?