Martin Nievera, ikinuwento na nakita na sa wakas ni Pops Fernandez ang kanilang unang apo

Ayon kay Martin Nievera, kamakailan lang nakita ni Pops Fernandez (kaliwa) ang kanilang unang apo na si Phineas Atlas Nievera, anak ng kanilang panganay na si Robin Nievera. Tatlong buwan ang lumipas bago nadalaw ni Pops ang apo dahil sa kanyang sunud-sunod na showbiz commitments. PHOTO/S: @POPSFERNANDEZOFFICIAL ON INSTAGRAM / @MARTINNIEVERA ON INSTAGRAM

Si Martin Nievera ang nagkuwento na nakita na ni Pops Fernandez sa wakas ang kanilang unang apo na si Phineas Atlas na isinilang noong Disyembre 16, 2023 at anak ng panganay nila na si Robin.

Pops Fernandez Phineas Atlas Nievera

PHOTO/S: @POPSFERNANDEZOFFICIAL ON INSTAGRAM
(‘Lolly’ Pops Fernandez with son Robin Nievera’s first-born, Phineas Atlas Nievera)

Nangyari ang pagtatagpo ni Pops at ng apo nito sa Chicago, USA noong Biyernes, Marso 15, 2024 habang nagaganap sa Pilipinas ang pagpirma ni Martin ng bagong kontrata sa Vicor Music.

Martin Nievera

PHOTO/S: @MARTINNIEVERA INSTAGRAM
(L-R: Viva CEO Vic del Rosario, Martin, Vicor Music COO Tony Ocampo and Viva Music President Verb del Rosario)

“This happened just now, a few hours ago. Robin and Pops went from Vegas to Chicago to introduce the baby to the lola, Lolly,” ang lahad ni Martin tungkol sa pagbisita ng kanyang ex-wife sa kanilang apo.

Tatlong buwan ang lumipas bago nadalaw ni Pops ang apo nila ni Martin dahil nagkasunod-sunod ang mga showbiz commitment niya sa Pilipinas.

Kung “Lolly” ang gusto ni Pops na itawag sa kanya ni Phineas, “Lilo”naman ang nais ni Martin.

“We thought so hard about my name. I’m okay with lolo, I mean, hello, people when I was younger called me lolo.

“But now, it’s Lilo. Lilo Marts like Lilo and Stitch. If she can be a Lolly, I can be a Lilo,” ang sabi ni Martin na ibinahagi ang kakaibang pakiramdam sa pagdating ni Phineas na dalawang araw pa lamang naisisilang nang kanyang unang makita at hawakan.

“I’ve held kids all the time. I love kids but grandkids? My kid, I held someone else’s kid but my grandkid?

“I thought like it’s going to break. I’m gonna break this child. I’ve held kids so much all my life but two days old? Baka mamaya, sobrang hilaw pa.”

Kasama ni Martin sa contract signing niya sa Vicor ang kanyang longtime partner na si Anj del Rosario na isinalarawan niya bilang isang perpekto na karelasyon.

“I’ve been a good boy.We’ve together long enough to know that this is it. This is it!” ang pahayag ni Martin na aminado na kasal na lamang ang kulang sa halos labing-limang taon na relasyon nila ng kanyang girlfriend.

“Marriage? That’s the only thing missing. I’m always been afraid of it but she’s not rushing me naman,” ani Martin na ipinagtapat na gumawa siya ng kanta para kay Anj noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon.

“I wrote her a song, of course it was a secret before. I wrote her a song many years ago when we first fell in love.

“I gave it to another singer to record. It’s called ‘Forever in Your Eyes,’ Christian Bautista [ang singer].”

Kasama sa plano ni Martin na magsulat ng mga kanta sa bagong album na gagawin niya sa Vicor at Take 2 ang kanyang naisip na pamagat.

“My first album with Vicor, almost forty years ago was an album called Take 1.

“So when I rejoined Vicor, I said, ‘Let’s do an album, let’s call it Take 2 but the concept is my take, my second take with Vicor.’

“And my second take on some of my favorite OPM songs so I said can we do ‘Be My Lady’ again but make it a different arrangement? Yes! ‘Say That You Love Me?’ Yes!

“And then I chose ‘Tell Me,’ ‘Never Ever Say Goodbye,’ ‘Tag-araw’ of Hajji Alejandro. Yung mga old OPM song before but my take, take 2 or remake as we know it,” ang paliwanag ni Martin tungkol sa mga kanta na pinili niya para sa kanyang bagong album sa Vicor Music.