Totoo yata ang sinasabi ng karamihan na bumaba na talaga ang viewership sa telebisyon kaya hindi na ganun kataas ang rating ng karamihan sa mga programang sinusubaybayan natin.
Dala na rin siguro sa online o on-demand viewing na ginagawa ng karamihan sa mga manonood.
Pero ang telebisyon pa rin ang basehan kung nag-hit ang isang show dahil dito pa rin nanonood ang mga nasa probinsiya, lalo na ang nasa liblib na bahagi ng bansa.
Kaya nagkakasya na lang tayo sa mababang ratings ng karamihan sa TV shows.
Noong Sabado, March 16, 2024, ay tinalo na ng lumang pelikula sa GMA-7 ang Eat Bulaga! at It’s Showtime.
Dalawang pelikula na kasi ang katapat ng dalawang noontime shows.
Ang Kapuso Movie Festival, na pumasok ng 11:30 a.m., ay naka-3.5%.
1 p.m. naman pumasok ang Lunchtime Movie Hits na naka-4.8%.
Ang Eat Bulaga! ay naka-3.7%, at ang It’s Showtime ay naka-3.6%.
Ito ay base sa datos mula sa AGB Nielsen.
Bumalik na sa 2:30 p.m. ang Abot-Kamay Na Pangarap, na naka-9.6%.
Sumunod ang Tadhana na naka-8%, at ang Wish Ko Lang! ay naka-6.7%. Ang Pinoy Crime Stories ay naka-6% naman.
Pagdating sa prime time ay hindi pa rin ganun kataas ang rating ng karamihan sa mga programa.
Ang 24 Oras Weekend ng GMA-7 ay 7.3% at ang TV Patrol Weekend ng Kapamilya Channel ay 0.6% lamang, at ang Frontline Weekend ng TV5 ay 0.9%.
Ang Jose and Maria’s Bonggangvilla naman ay naka-8.3%, at ang Rated Korina ay 3.2%.
Tumaas naman ang Pepito Manaloto na naging 11%, at ang The Voice Teens ay 6.3%.
Ang Magpakailanman ay 10.6%, at ang katapat nitong I Can See Your Voice ay 5%. Ang sitcom naman ni Vic Sotto na Open 24/7 ay 5.8%.
Nung Linggo, March 17, ay bahagyang tumaas ang All-Out Sundays na todo-promote sa pagsisimula ng kanilang Summerversary celebration. Naka-3.7% lang ito.
Ang ASAP Natin ‘To ay naka-2.6%.
Sumunod ang GMA Blockbuster na 3.6%, at ang Kapamilya Sunday Blockbuster ay 3.5%.
Ang Regal Studio Presents ay 3.5%. Ang Resibo naman ay 3.6%.
Sa prime time naman nung Linggo, naka-6.7% ang 24 Oras Weekend.
Ang TV Patrol Weekend sa A2Z ay 0.9%, at ang Frontline Weekend sa TV5 ay 1.7%.
Sumunod ang Bubble Gang na 8.6%, ang Tao Po ay 1.9%, at ang The Voice Teens ay 5.9%.
Ang Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis ay 9.4%. Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 17.5%, at ang TBATS ay 4.4%.