Claudine Barreto, namayat dahil dinamdam ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Apektado pa rin si Claudine Barretto sa pagpanaw ni Jaclyn Jose. Sa video na naibahagi sa YouTube channel ni Dondon Sermino, sinabi ni Claudine na 11 pounds ang nabawas sa kanyang timbang dahil hindi daw siya nakakakain at nakakatulog nang maayos.

Kinumpirma din ni Claudine na number niya ang nasa emergency contact ni Jaclyn ngunit hindi na siya natawagan nito.

Naiyak si Claudine nang tanungin siya kung nakapagparamdam daw ba sa kanya si Jaclyn. Hindi naman daw ito nagparamdam sa kanya at kahit daw sa panaginip ay makita niya ito.

First time daw niyang mag-eulogy at ito yung kay Jaclyn. Kahit sa daddy daw niya ay hindi daw niya ito nagawa.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba’t ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang “Mula sa Puso,” “Sa Dulo ng Walang Hanggan,” at “Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.