Actress-TV host on a very flourishing career: “Gusto ko lang mag-work nang mag-work, and dahil sa mga taong sumusuporta din, at sa mga taong naniniwala, at sa mga taong curious din, so sobrang akong nagpapasalamat.” PHOTO/S: COURTESY: ABS-CBN NEWS ON YOUTUBE
Isa sa pinaka-successful celebrities ngayon ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu.
Sa exclusive interview ng ABS-CBN News kay Kim na lumabas sa YouTube kahapon, March 21, 2024, labis-labis ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng tumutok sa bago niyang teleseryeng What’s Wrong with Secretary Kim.
Sobrang successful ang pilot episode nito sa Viu app nitong nakaraang March 18, 2024, to the point na nag-crash daw ang app sa mga unang oras ng streaming nito.
Katambal ni Kim sa show si Paulo Avelino.
Ani Kim, “Oh, thank you so much! Sobrang na-happy talaga ako.
“Like, hindi ko talaga, hindi ko… hindi ko talaga in-expect… Hindi, ano, sobrang happy talaga.
“Like, ano, ang haba namin siyang pinu-promote and sobra kaming kinakabahan, and hindi namin maipaliwanag yung nararamdaman namin during that time.
“And papunta na ng 12 midnight, sobrang nagti-text kami ni Paulo, ‘Paano, na kinakabahan ako, nanlalamig ako,’ tapos parang ganyan.
“So, parang we’re very happy sa naging outcome ng What’s Wrong with Secretary Kim.”
Dahil sa tagumpay ng show, tinagurian na raw si Kim na “Queen of Digital Streaming.”
Naging matagumpay rin ang una niyang streaming series na Linlang, na napanood sa Prime Video. Si Paulo rin ang katambal niya rito.
Maluha-luhang sagot ni Kim, “Hindi ko in-expect.
“I thought I’m done. Gulat ako with everything.”
Akala raw ni Kim ay tapos na ang kanyang karera pagkatapos ng kontrobersiya ng “bawal lumabas.”
Saad niya, “Yes. Of course, after ‘bawal lumabas.’
“So, parang feeling ko, kaya sobrang na-fragile namin.
“Big check, Linlang, and Showtime, and ito nga, What’s Wrong With Secretary Kim.
Ang mga salitang “bawal lumabas” ay bahagi ng emosyunal na pahayag ni Kim sa “Laban Kapamilya” Facebook Live protest noong May 8, 2020.
Ikinasa ang online protest na iyon kasunod ng pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa broadcast operations ng ABS-CBN noong May 5.
Nagtigil-operasyon ang network makaraang mapaso ang 25-year legislative franchise nito.
Naging kontrobersiyal ang pagtatanggol na iyon ni Kim sa kanyang home network nang ikumpara niya sa pagpapatupad ng rules sa classroom ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN.
Sabi noon ni Kim: “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas, o, bawal lumabas.
“Pero pag sinabi… pag nag-comply ka na bawal lumabas, pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila…
“Inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
Ano ang naging epekto nito sa kanya?
Tugon ni Kim, “Ano, masaya talaga.
“Ano, walang paglagyan yung puso ko sa sobrang saya.
“Gusto ko lang mag-work nang mag-work, and dahil sa mga taong sumusuporta din, at sa mga taong naniniwala, at sa mga taong curious din, so sobrang akong nagpapasalamat.
“Kasi kung ako lang naman ito, or the platform itself, hindi naman namin alam kung magiging number one siya.
“Dahil ito sa mga taong nandiyan para sumuporta, and manood, and tumatangkilik sa mga palabas namin.”
Galak na galak din si Kim dahil mapapanood na ang It’s Showtime sa GMA simula April 6, 2024.