Miles Ocampo, Elijah Canlas spotted cozy at an event: Are they back together?

Mukhang kumpirmado ngang nagkakamabutihan na muli sina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Ito ay base sa larawang in-upload ni A Very Good Girl director na si Petersen Vargas, kung saan kasama sina Miles at Elijah, Linggo ng gabi, March 24, 2024.

Sa nasabing larawan, makikitang nagpa-picture ang ilang kaibigan nina Miles at Elijah.

Kapansin-pansin ding nakayakap si Elijah mula sa likuran ni Miles.

Miles Ocampo, Elijah Canlas spotted together
PHOTO/S: COURTESY: @AWAREWOLVES ON INSTAGRAM

Ikinatuwa ng fans ng dalawa ang latest photo nilang magkasama na halatang sweet na sweet sa isa’t isa.

Ilang araw lamang ito matapos kumpirmahin ni Miles na inaayos nila ni Elijah ang kanilang relasyon na tinuldukan nila noong nakaraang taon.

Sa panayam kay Miles na lumabas sa Frontline Pilipinas noong March 18, 2024, nausisa siya tungkol sa naging bakasyon niya sa Hong Kong kamakailan.

Tanong ng entertainment reporter na si MJ Marfori, kung dito ba ay kasama niya si Elijah.

Sagot ni Miles, “Hindi po. Mga kapatid ko po and parents ko. Family time.”

Sundot na tanong ni MJ, “Kayo na ba ulit [ni Elijah]?”

Maikli ngunit nakangiting sagot ng Eat Bulaga! host, “Let’s see. We’re working on it.”

Tumugma ang sinabi ni Miles sa naging sagot ni Elijah sa panayam ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe noong March 12.

Dito, natanong si Elijah ni MJ kung parte ba ng kanyang 2024 goal ang paghahanap ng bagong pag-ibig matapos ang breakup nila ni Miles.

Makahulugang sabi ni Elijah, “Looking for love? What if love pa?

“There’s always love within us, right? There’s always love within us… and I have so much love to give, you know.

“Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I’m willing to give it to anyone who’s willing to accept.”

Lagpas dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Miles at Elijah. Naghiwalay sila noong kalagitnaan ng 2023.