Hindi na mag-iisip pa ang publiko sa hindi pagdalo ni Sarah Lahbati sa pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ni Kai.
Inamin na kasi niya na hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.
Isinilang si Kai noong Marso 21, 2018, at para sa kanyang 6th birthday, naghanda ang kanyang ama ng selebrasyon noong Sabado, Marso 23, 2024, sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa City.
PARTY WITH GUTIERREZ FAMILY
Full force ang Gutierrez family, na pinangunahan ng mga magulang ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
Nakita rin sa photos na ipinost ni Richard sa kanyang Instagram stories ang kanyang ate na si Ruffa Gutierrez.
Ang 2011 sandbox game na Minecraft ang tema ng pagdiriwang ni Kai.
Kasama niyang pumasok si Daddy Richard at ang kuya na si Zion sa venue.
Hango sa Minecraft colors and game elements ang set-up.
May program at games din.
PARTY WITH LAHBATI FAMILY
Dalawang beses na nagkaroon si Kai ng Minecraft-themed birthday celebration.
Ngayong Linggo ng hapon, Marso 24, inilabas din ng nanay ni Sarah na si Esther Lahbati ang video at larawan ng pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng kanyang apo na idinaos sa tahanan ng anak niya.
Sa mga corners ng house, makikita ang Minecraft-inspired decor.
Nilagyan ni Esther ang mga larawan ng caption na “Happy birthday dearest Kai. We love you so much. The most sweetest boy, loving and handsome [sic] boy.
“Mama was so lucky to have you from day one na pinanganak ka. Sabi ko wow, ang cute-cute mo talaga! Million kisses, hugs and forever love from Lahbati family. We are here always for you.”