Home Trending Pagpu-post ni Nadia Montenegero ng larawan ng walong anak, may kinalaman sa...

Pagpu-post ni Nadia Montenegero ng larawan ng walong anak, may kinalaman sa rebelasyon ni Baron Geisler?

Nadia Montenegro (fourth from left) posts a photo with all of her eight children: (from left) Ynna, Samantha, Alyana, Xander, Ayisha, Sophia, Alyssa, and Anykka.

PHOTO/S: @OFFICIALNADIAM ON INSTAGRAM

Pitong babae at isang lalaki ang mga anak ni Nadia Montenegro at ng kanyang pumanaw na asawa na si former Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio Jr. (April 6, 1936 – February 6, 2017).

Sila ay sina Alyssa, Alynna, Alyana, Anykka, Samantha, Ayisha, Sophia, at ang nag-iisang lalaki na si Xander.

Tatlong araw na ang nakalilipas nang ibahagi ni Nadia sa Instagram account nito ang larawan nila ng walong anak niya na nakasaludo sa kanya.

“My Army!! Protected! Strong & Faithful” caption ni Nadia sa kanilang family photo na may hashtag na #FullArmourOfGod.

Tanging si Nadia lamang ang nakakaalam sa tunay na intensiyon ng pagbabahagi niya sa larawan ng kanyang pamilya.

Pero nabahiran ito ng kontrobersya dahil inilabas ng aktres ang litrato sa panahong mainit na pinag-uusapan ang isyu tungkol sa pag-amin ni Baron Geisler tungkol sa pagkakaroon nito ng anak na babae.

Maaaring hindi nakarating sa kaalaman ni Nadia na nag-trend ang larawan nila ng kanyang mga anak noong Sabado, Marso 23, 2024, dahil sa mga netizen na napukaw ang curiosity kaya sinilip ang kanyang Instagram post na binigyan ng ibang kahulugan.

Kaya imbes na mamatay ang isyu, parang apoy itong pinaypayan kaya lalong sumiklab.

Aral para sa lahat ang nangyari, lalo na sa mga artista na, kadalasan, sila ang pinagmumulan ng mga isyu tungkol sa kanilang mga sarili dahil sa mga social media post nila.

Bihira nang tumanggap si Nadia ng mga acting assignment dahil nagtatrabaho siya bilang political officer ni Senator Robinhood Padilla.

Masipag at mapagkakatiwalaan si Nadia kaya malaki ang kontribusyon nito sa tanggapan ni Robin.

At bilang kinatawan ng isang senador ng bansa, hindi na siya dapat nasasangkot sa mga intriga at kontrobersiya.

Maiiwasan ito kung iingatan ni Nadia ang mga impormasyon o larawang ibinabahagi sa publiko dahil hindi puwedeng hindi magkomento ang mga taong mahilig sa eskandalo at likas na mapanghusga.