Tina Yan remembers brother Rico Yan’s death: “Good Friday will always be a scar that I can never erase.”

Nagbalik-tanaw ang kapatid ni Rico Yan na si Tina Marie Yan sa masakit na alaala ng pagpanaw ng aktor.

Sumakabilang buhay si Rico noong March 29, 2002 habang nagbabakasyon sa Puerto Princesa, Palawan.

Twenty-seven years old siya noon.

Sa post ni Tina sa kanyang Instagram account ngayong araw na ito, March 29, 2024, ibinahagi niya ang kanyang naging emosyon nang makarating sa kanya ang balita na pumanaw na si Rico.

Kalakip ng kanyang post ang photo niya na nasa background ang naka-frame na larawan ng aktor.

Screenshot of Tina Marie Yan's IG post

THE MOMENT TINA YAN LEARNED ABOUT HER BROTHER’S DEATH

Ang kanyang caption (published as is), “Today happens to be the same day Rico left 22 years ago, on Good Friday.

“I can’t help but re-live that painful moment.”

Nasa America si Tina nang mangyari iyon.

“It was a Thursday evening in San Francisco when I received the tragic heart-breaking news.

“I spent the whole day on Good Friday in the U.S. Immigration office to get my travel parole so I could rush home.”

Iyon aniya ang pinakamahabang biyahe para sa kanya.

At pagkarating niya sa Pilipinas, ramdam agad niya ang hatid na kalungkutan ng katotohanang wala na ang kanyang kapatid.

“It was the longest flight of my life, that’s for sure.

“And upon arriving Manila to face everything head on, the void was just too real.”

THE SADDEST GOOD FRIDAY

Ani Tina, ang pagsapit ng bawat Biyernes Santos ay nagdulot sa kanya ng sugat na ang pilat ay hindi na mawawala.

“Good Friday will always be a scar that I can never erase.”

Ibinahagi rin niya ang mga bagay na nami-miss niya kay Rico.

“God knows how much I miss—all the laughs the chats, the video games, the midnight snack time and fine, all the pranks and flying kicks to my face too.”

Paglalambing niya sa kapatid, “Keep on watching over us here!”

Photo of Rico Yan and Tina Marie Yan

RICO YAN’S LAST DAYS

Pumanaw si Rico noong March 29, 2002, Biyernes Santo.

Batay sa resulta ng autopsy sa mga labi ni Rico, cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kamatayan niya.

Kasama ni Rico sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, ang kapwa aktor at matalik na kaibigan na si Dominic Ochoa.

Si Dominic ang nakadiskubre sa kanyang bangkay.

Biyernes Santo ng hapon noong March 29, 2002, nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari kay Rico. Kinumpirma ito ng mga radio announcer sa AM stations dahil off-air ang TV networks.

Mula sa Puerto Princesa, dinala sa Maynila ang bangkay ni Rico.’

Photo of Rico Yan

Marami ang nabigla sa nangyari dahil nainterbyu pa siya para sa isang radio station nang lumapag sa Palawan ang eroplanong sinakyan nila ni Dominic at ng girlfriend noon ng huli na si Janna Victoria.

Nang tanungin kung ano ang kanyang pakay sa unang pagkakataong tumuntong siya ng Palawan, ani Rico, “Holy Week vacation.

“We might stay for a while in Dos Palmas.”

Sinagot din niya ang tanong kung bakit hindi niya kasama ang girlfriend niya noon na si Claudine Barretto.

Aniya, “She had to go to Subic kasi yung tatay niya nakadestino doon. So, I made plans with my friends na dito mag-Holy Week, and dapat kasama siya, pero sayang hindi siya makasama.

“Last minute, she had to spend time with her family.”

Nang tanungin tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Claudine, ang pakiusap ni Rico, “Let’s not delve into that.”

Nang magpunta si Rico sa Palawan, palabas pa sa mga sinehan ang Got 2 Believe, ang certified blockbuster romantic-comedy movie na pinagbidahan nila ni Claudine.

Nagbukas ito sa mga sinehan noong February 27, 2002, pinilahan sa takilya, at naabutan ng pagkamatay ni Rico kaya matagal na ipinalabas ang pelikula.

May problema na sa relasyon nina Claudine at Rico nang magkaroon ng press conference ang Got 2 Believe, pero nagawa nilang ilihim sa entertainment press ang katotohanan.

Lumitaw na lamang ang balitang hiwalay na ang dalawa habang palabas sa mga sinehan ang huling pelikula ni Rico.