Nagsalita na si Sarah Lahbati tungkol sa usap-usapang may bago umano siyang karelasyon matapos kumpirmahin ng aktres sa publiko na hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.
Noong Linggo, March 31, 2024, kumalat sa social media ang litrato ni Sarah kasama ang isang hindi kilalang lalaki habang kumakain sa isang restaurant.
Sa Hong Kong daw kinunan ang nasabing larawan.
Makikita sa viral photo si Sarah kaharap ang isang lalaking nakasuot ng dilaw na long sleeve polo, puting pants, at nakasalamin.
Mabilis na kumalat ang espekulasyong ang nasabing lalaki ang nagpapasaya sa puso ng aktres ngayon.
Nitong Martes, April 2, sa mediacon ng upcoming TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, nahingan ng reaksiyon si Sarah ng ilang entertainment press tungkol dito.
Mariing itinanggi ni Sarah na karelasyon niya ang kasamang lalaki.