Sarah Lahbati reacts to viral photo with mystery man in Hong Kong

Nagsalita na si Sarah Lahbati tungkol sa usap-usapang may bago umano siyang karelasyon matapos kumpirmahin ng aktres sa publiko na hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.

Noong Linggo, March 31, 2024, kumalat sa social media ang litrato ni Sarah kasama ang isang hindi kilalang lalaki habang kumakain sa isang restaurant.

Sa Hong Kong daw kinunan ang nasabing larawan.

Makikita sa viral photo si Sarah kaharap ang isang lalaking nakasuot ng dilaw na long sleeve polo, puting pants, at nakasalamin.

Sarah Lahbati on mystery man she was spotted with in Hong Kong

Mabilis na kumalat ang espekulasyong ang nasabing lalaki ang nagpapasaya sa puso ng aktres ngayon.

Nitong Martes, April 2, sa mediacon ng upcoming TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, nahingan ng reaksiyon si Sarah ng ilang entertainment press tungkol dito.

Mariing itinanggi ni Sarah na karelasyon niya ang kasamang lalaki.

Paglilinaw niya, totoong nagpunta siya sa Hong Kong para sa isang art convention at ang lalaking naispatan niyang kasama ay kaibigan lamang niya.

Saad ni Sarah, “Yeah, I went to Hong Kong to experience the art.

“It’s always been a dream of mine to travel around and I was happy that I was able to go.

“And that photo circulating around is one of my friends, as simple as that.

“I visited Hong Kong and met up with different friends.”

Metro At 30: Sarah Lahbati Is Ready For The Next Chapter Of Her Life | Metro.Style

Diin pa ni Sarah, walang kaso kung sakali mang magkaroon siya ng bagong karelasyon dahil “single” siya ngayon.

Saad niya, “Is it unfair? Is it bothering me now? No, it takes a lot more for something to bother me now.

“But I think as, as a woman, we’re all allowed to have guy friends.

“But again, it’s okay to speculate because, again, I’m single that and it is part of this whole new thing.”

SARAH CONFIRMS BREAKUP WITH HUSBAND RICHARD

Noong March 1, tinuldukan ni Sarah ang matagal nang usap-usapang hiwalay na sila ni Richard.

Naganap ang pag-amin ni Sarah nang makapanayam siya ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe.

Sa video na in-upload ng ABS-CBN News, mapapanood ang diretsahang pagsagot ni Sarah sa tanong ni MJ kung siya ay single ngayon.

Ani Sarah, “Uhm, yeah. I mean, there’s nothing to hide and I think it’s pretty clear to the public that both of us are [single].”

ĐỀ XUẤT


động từ

dẩn khởi, đề nghị, gợi ý