Netizens react to Bea Alonzo and Dominic Roque twinning posts

Bea Alonzo, Dominic Roque post twinning "March" photos
Bea Alonzo and Dominic Roque flex their love for tennis as their March albums showed photos of them playing the sport. 

PHOTO/S: COURTESY: INSTAGRAM

Kinilig ang maraming netizens na umaasa pa ring magkabalikan ang nagkahiwalay na dating engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa Instagram kagabi, April 2, 2024, nag-post ng ilang larawan si Bea tungkol sa mga kaganapan ng kanyang buhay nitong nakaraang Marso.

May kuhang selfie sa kanya, picture ng isang bata, mula sa tribute party para sa star builder na si Johnny Manahan, sa pagsasama nila ng kanyang mga dating kapwa Star Magic artists, isang solo picture, birthday party, paglalaro niya ng tennis, larawan ng kanyang alagang aso, at ang pagbisita niya sa isang sikat na library sa South Korea.

Caption ni Bea, “Thank you, March [calendar emoji]”

Napansin naman ng ilang netizens na ni-like ni Dominic diumano ang post ng ex-grilfriend.
Sabi pa ng isa, “Dahil ni like ni Papa Doms..Ililike ko narin..ayeeeh!! @dominicroque @beaalonzo @cabuenasscherwroz ..Hope kayo nalang plssss..ipaglaban nyo ang isa’t-isa…”
Netizens on Bea Alonzo's March post

Ngayong Miyerkules, April 3, 2024, si Dominic naman ang may post tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay noong nakaraang buwan.

May larawang may hawak siyang bata, nakikipaglaro sa mga ito sa dalampasigan, pagkain, paglalaro ng tennis, family bonding, panonood ng isang tennis game sa Ateneo, at bonding kasama ang mga Kapuso stars.

Caption niya, “Marso [heart emoji]”

Kaagad namang nagkomento ang maraming netizens na tagahanga nina Bea at Dom tungkol sa pareho raw nilang posts.

Ang iba, kinikilig. Ang ilan naman ay umaasang may balikan nang naganap.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Netizens comment on Dominic Roque post
Netizens comment on Dominic Roque post
Netizens comment on Dominic Roque post
Netizens comment on Dominic Roque post
Netizens comment on Dominic Roque post

Kahit wala pang pahiwatig na may balikan ngang naganap sa dalawa, hinala naman ng iba na baka sikretong inayos nila ang kanilang hindi pinagkakaintindihan dahil muli naman daw isinuot na ni Bea ang kanilang engagement ring.

Ngayong taon sana ang kanilang kasal pero naudlot ito dahil biglaan nilang desisyon na tapusin na ang kanilang relasyon.