Trending pa rin sa X ang hashtag na KathDen, kahit pinag-uusapan na sa social media ang pagtama ng malakas na lindol sa Taiwan.
Hindi magkamayaw ang KathDen fans sa nakakakilig na tagpo nina Alden Richards at Kathryn Bernardo nang biglang dumating ang Kapuso actor sa post-birthday party ng Kapamilya actress na ginanap sa TGIS Studio by KCMB sa Quezon City.
Ang naturang studio ay pag-aari ni Kathryn, pero ang stylist niyang sina Boop at Kimi Yap ang nag-organize ng party na iyon.
Ayon sa ilang supporters ni Kathryn na napagtanungan ng PEP Troika, ginawa nila ang birthday party na iyon para sa ilang mga kaibigang hindi nakadalo sa selebrasyon sa El Nido, Palawan.
Si Alden ang isa sa mga pinabalik na nakadalo rin sa birthday party ni Kathryn sa Palawan.
Pero mas tumatak sa mga netizen ang closeness ng magkaibigan. Lalo na yung tagpong niyakap nang mahigpit ni Alden si Kathryn nang magpa-picture sila.
Ilan sa solid fans ni Kathryn ang tinanong namin kung naging KathDen fans na ba ang karamihan sa KathNiel.
Nandiyan pa rin daw ang KathNiel, pero karamihan daw sa fans ni Kathryn ay KathDen na.
Kaya inaabangan na raw sana nila kung magkakaroon na ba ng part two ang Hello, Love, Goodbye.
Pero sa ngayon ay mas magpo-focus si Alden sa teleseryeng Pulang Lupa, at si Kathryn naman ay ang pelikulang Elena 1944 ang unang nakalinya sa kanya.
Siyempre, napansin uli ng KathDen fans na parehong Japanese period ang setting ng dalawang proyektong ito.
Sana, matuloy ang napipinto nilang reunion project na sequel ng record-breaking Hello, Love, Goodbye.
Balitang inaayos ang shoot nito sa Canada. At sana talaga, matuloy.
Kasi, puno ng positive vibes ang mga taong involved dito.
Na-scoop ni ka-Troikang Noel for PEP Troika ang pagtatambal noon nina Kathryn at Alden sa pelikula. Dito sa PEP Troika nag-umpisa ang portmanteau na KathDen.