Karylle gives backstory of Janella Salvador’s “kayo na lang” remark to Kim Chiu

Karylle in Pink with inset photos of Janella Salvador and Kim Chiu

Nag-react si Karylle kaugnay ng iniisyung interaksiyon sa pagitan nina Kim Chiu at Janella Salvador sa It’s Showtime noong April 2, 2024.

Sa naturang episode ng Kapamilya noontime show, guest si Janella at ang Thai actor na si Win Metawin para i-promote ang kanilang pelikulng Under Parallel Skies.

Prinomote din ni Janella ang kanyang upcoming concert at single na “Headtone.”

Hiniling ni Kim kay Janella na mag-sample ito sa bago nitong single.

Hindi pa tapos magsalita si Kim, mabilis ang naging sagot ni Janella.

“Medyo paos ako today. Kayo na lang,” sabi ni Janella kay Kim.

Sumagot si Kim na pakinggan na lang sa streaming platform ang single ni Janella.

Biglang naging trending topic ang tagpong iyon sa social media.

May ilang netizens ang nagsabing “binastos” umano ni Janella si Kim sa nangyari.

Lalong nabigyan ng kulay ang isyung ito dahil sa “EXpecially For You” segment ng parehong episode, nagbitaw ng salita si Vice Ganda sa contestant ng “Medyo paos siya today. Kayo na lang,” na inulit ang statement ni Janella.

Naghabi ng kuwento ang netizens at nilagyan ng kulay ang mga hirit nina Janella, Kim, at Vice.

Janella speaking with Win Metawin, Anne Curtis, Kim Chiu, and Darren Espanto
PHOTO/S: YOUTUBE (ABS-CBN ENTERTAINMENT

The moment when Janella Salvador (far left) refused Kim Chiu’s (2nd from right) request to Janella to sing a part of her new single.