Vina Morales, single at “hindi in love”; may co-parenting set-up na with Cedric Lee

Blooming si Vina Morales nang dumalo sa premiere night ng pelikulang Sunny na magso-showing na sa mga sinehan sa Miyerkules, April 10, 2024

Ang saya pa niya na kumakanta at sumasayaw sa red carpet kasama ang kanyang 14-year-old daughter na si Ceana.

Mahiyain ang bagets, na mukhang walang hilig mag-showbiz. Kapag may options lang daw, baka i-consider niyang pasukin ang pag-aartista.

Vina Morales and daughter Ceana Lee

CO-PARENTING SET-UP WITH CEDRIC LEE

Doon na rin ibinahagi ni Vina na okay na raw sila ng ama ng kanyang anak na si Cedric Lee.

Matatandaan noon na umabot pa sa demandahan ang isyu ng dating mag-partner.

Pero ngayon ay okay na raw sila, para sa kanilang anak na si Ceana.

Ani Vina, “I’m very happy to announce that we’re co-parenting. We’re civil. Okay na. They always find time with each other.

“Actually, this weekend, Saturday and Sunday, they were in Tagaytay. Kasama niya yung dad niya.”

Mas masaya raw ang lahat, lalo na si Ceana.

“Siyempre, for the sake of our daughter. At saka na-realize ko nung pandemic, parang you know, forgiveness talaga, e.

“You have to forgive. Life is short. So… and it’s also for her own sake, di ba?

“They’re both happy, we’re all happy. I’m happy. So, you know, we’re just enjoying our journey,” dagdag niyang pahayag.

VINA ON DOING MOVIES AGAIN

Si Vina ang isa sa mga bida sa Sunny at nagpapasalamat siya sa Viva dahil nabigyan siya ng pagkakataong makabalik sa pag-arte sa pelikula.

Ilang taon na rin daw kasi siyang nasa telebisyon lang at kumakanta sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

At sana raw ay makagawa pa siya ng mga pelikula na talagang gusto niyang gawin.

“Ang excited ako, because it’s my parang comeback with Viva Films, after so many years na hindi ako nakapagtrabaho with Viva. And I’m always grateful to them,” pakli ni Vina.

Tinanong na rin namin ang singer-actress kung sino sa mga nakakatrabaho niya noon sa Viva na gusto niyang makatrabaho uli.

Vina Morales at the premiere night of her movie Sunny

“Obvious ba? Siyempre, ang dami kong pelikula with Robin Padilla in Viva Films. “Siguro, that’s one of the films to work with him again after so many years. Yung mga kilig moments naman,” napapangiti niyang pahayag.

VINA ON NON-SHOWBIZ BOYFRIEND ANDREW KOVALCIN

Ang nakakaintriga kay Vina ay ang tipid ng sagot niya tungkol sa kanyang kasalukuyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Kovalcin.

Nasa Amerika raw ito ngayon, pero nadulas siya sa pagsasabi ng, “Hindi in love, hindi na nga!”

Ayaw raw sana ni Vina na pag-usapan pa ang iba niyang personal na isyu lalo na ang love life.

“Ako kasi, I always believe, with or without, I am complete because I have Ceana, you know.

“I’m also grateful na I’ve experienced motherhood. So, hindi ako nagmamadali.

“I freezed my egg. If there’s another opportunity for me to have a baby, okay lang. Kasi, naka-freeze naman yung egg ko.”

Cedric Lee: Who is the Man Allegedly Behind Vhong Navarro Blackmail Attempt? | The Epoch Times

Bukas daw siya sa posibilidad na magka-baby uli kung magkaroon ng isa pang pagkakataon.

“Anytime, oo. We’ll never know. Alam mo naman yung science e,” sambit ni Vina.

Hindi raw niya masabi kung ma-e-experience niya ang magpakasal.

Pero ayaw raw niyang magpa-pressure na dapat ay magpakasal na siya.

Sa ngayon ay mas gusto raw niyang mag-focus muna sa kanyang anak.

“I’m not saying it’s ano, ha? Siyempre, isa yun sa mga dream ko. But, if it’s gonna happen soon, it’s okay. But right now, I think gusto ko yata, ako na lang muna.

“I have Ceana naman. Kasi, hindi mo masabi talaga kung sino ang makakatuluyan mo.

“Ayokong pag-usapan, because I wouldn’t know kung sino talaga ang para sa akin,” makahulugang pahayag ni Vina.

Sila pa rin kaya ng American boyfriend niya? Basta, I wish Vina all the best!

Mabait siyang tao so she deserves someone as mabait as she is!!!