Who is Carmina Villarroel, daughter Cassy Legaspi alluding to in their cryptic posts?

Nagugulumihan ang ilang netizens sa magkahiwalay na cryptic posts ng mag-inang Carmina Villarroel at Cassy Legaspi sa kanilang Instagram Stories kahapon, April 9, 2024.

Hinala ng ilang netizens, may pinatatamaan ang mag-ina.

Sabi ni Carmina sa kanyang post, “Don’t expect the same in return.”

Sa kanya namang Instagram Story, nagbahagi si Cassy ng screenshot ng kanta ni Olivia Rodrigo na “Favorite Crime.”

Bahagi ng lyrics ng kanta:

“Those things I did

“Just so I could call you mine

“The things you did

“Well, I hope I was your favorite crime

“You used me as an alibi

“I crossed my heart as you crossed the line

Timing kasing pinag-usapan din ng netizens kahapon ang tungkol sa panayam ng TV Patrol kay Darren Espanto, kung saan sinabi nitong “best friends” lang sila ni Cassy.

Ito ay sa kabila ng matagal nang pag-uugnay sa kanila romantically.

Sa panayam, sinabi ng It’s Showtime mainstay na matalik lamang na magkaibigan ang turingan nila ng Kapuso actress.

Saad niya, “Makulit sila, e. Sabi namin, best friends lang kami ni Cassy.

“Best friends talaga, e. Parang it’s something that a lot of people, I guess, won’t get.

“Hindi ko alam kung paano i-explain, but siyempre andun pa rin yung pagmamahal namin para sa isa’t isa.”