– Sa gitna ng isang nakakabahalang karanasan, nagsalita si Kai Suzon, ang kasintahan ni It’s Showtime host Cianne Dominguez
– Ito ay kaugnay sa kinaharap ng kasintahan matapos ang hindi kanais-nais na pangyayari kung saan muntik na itong pagsamantalahan ng isang lalaki
– Sa kanyang pahayag, iginiit ni Kai na walang sinuman ang dapat magdusa o harapin ang banta ng pang-aabuso
– Pinuri niya ang tapang ng kanyang kasintahan na lumaban at walang nangyaring masama sa kanya
Nagbahagi ng mensahe ang boyfriend ni Cianne Dominguez Cianne Dominguez. Kaugnay ito sa pangyayari kung saan muntik nang pagsamantalahan ng isang lalaki si Cianne. Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan Source: Instagram Sa kanyang Instagram story, binahagi niya ang kanilang picture kalakip ng kanyang mensahe at pagsuporta sa mga kagaya ni Cianne na nakaranas ng pang-aabuso. “No one should ever have to endure or face the threat of s3xual assault.
Good thing my Cianne fought back and nothing serious happened A To everybody who experienced s3xual assault before, know that you are not alone and fighting back is always important!.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them! “To the guy who s3xually assaulted (Shervey Torno), you’re getting what’s coming to you and I will see you soon. An eye for an eye. I’ll do whatever I can in my power if I have to if it means protecting the ones that I love.” Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan Source: Instagram Base sa pahayag ng kampo ni Cianne, ang pangyayari ay naganap sa loob ng kanilang condominium. Si Cianne Dominguez ay sumali sa isang patimpalak sa It’s Showtime at naging daily winner.
Nang makapasok ito sa weekly finals ay napansin ni Vice Ganda at kinalaunan ay kinuha niya bilang kanyang talent. Sa kasalukuyan ay isa na siya sa mga hosts ng It’s Showtime. Matatandaang naging usap-usapan sina Anne Curtis, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez matapos ang kanilang pagbirit sa awiting “Gusto Ko Nang Bumitaw” sa “It’ Showtime”. Kasunod nito ay nagbahagi ng mensahe si Anne sa ex tungkol sa kanilang performance na aniya ay para talaga sa mga power belters kagaya nina Sheryn Regis, Morisette Amon at Regine Velasquez.