Romantic life of Carlo Aquino, one intriguing story after another

Carlo Aquino is once again under fire toward the end of 2022 when Trina Candaza, the mother of his daughter, released a feisty statement about him being “very excited to remove us from his life.” Some of the women in Carlo Aquino’s life, from left to right: Trina Candaza, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Camille Prats, and Charlie Dizon.

Carlo Aquino is yet again hot news because of a relationship issue.

This time, it was triggered by a strongly worded post of ex-partner Trina Candaza about the circumstance of their breakup.

Tracking his love life, Carlo had been in and out of relationships trailed by intrigues.

Here’s a list of the women who was linked to him:

ANGELICA PANGANIBAN (1999-2004)

Their romance started when they were paired in ABS-CBN’s youth-oriented TV shows G-Mik (1999) and Berks (2002).

Lahad ni Angelica Panganiban kay Vice Ganda sa show nito na Gandang Gabi Vice (2011), dalawang beses daw silang nag-break ni Carlo during the six years they were together and known as CarGel.

Third party daw ang isa sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, at ang pangalawang breakup ay dahil kay Maja Salvador.

Nilinaw naman ni Angelica na hindi sila pinagsabay ni Carlo, bagkus ay umamin si Carlo bago nakipaghiwalay sa kanya na may pagtingin ito kay Maja.

“Inamin naman niya. Hindi siya nanloko. Pinutol niya yung sa akin bago siya nagsimula,” Angelica said of her painfully honest breakup with Carlo.

So, may friction ba between Angelica and Maja after ng lahat ng nangyari?

“Hindi naman. Hindi kami nagkaroon ng problema,” sagot ni Angelica sa tanong ni Vice.

At iyon nga ang totoo.

Pag-confirm naman ni Maja sa exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong September 28, 2018, “Hindi ako third party kasi bago manligaw sa akin si Carlo, ang dami pang girls nun bago pa siya nanligaw sa akin.

“Saka kung ako ang third party, kilala natin si Angelica, di dapat dati pa lang inaaway-away niya ako. Very open siya, e. Nagsasalita naman yun palagi.”

Meanwhile, Angelica and her fiancé Gregg Homan welcomed the birth of their daughter Amila Sabine on September 20, 2022. Angelica and Gregg have been engaged since noong October 8, 2022.

Maja, for her part, is engaged to Rambo Nuñez.

angelica panganiban loyalty award

PHOTO/S: YOUTUBE (STAR MAGIC)

CAMILLE PRATS (2004)

Shortly after ng breakup of Carlo and Angelica, nagsimulang kumalat ang rumors na may pinopormahan si Carlo.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Angelica noong April 2023 for StarStudio digital magazine, she confirmed that there was basis behind the rumor.

Saad ni Angge, “Nalaman ko talaga, parang pinopormahan niya, so ako naman, hurt na hurt ako, ganoon.”

Ang pinupromahan ay ang malapit niyang kaibigan na si Camille Prats. Isa sa remarkable projects ng dalawa as child stars ay ang Sarah: Ang Munting Prinsesa, kung saan nasungkit ni Camille ang title role, habang si Angelica ang gumanap na Becky, ang best friend ng bida.

Samantala, nilinaw ni Angelica sa Star Studio digital na hindi naapektuhan ang friendship nila ni Camille Prats dahil sa issue.

“Siyempre noon, marami nang nakisawsaw, lumaki na.

“Pero nung nagkita kami ni Camille, parang walang nangyari, as in, yakapan, kuwentuhan, hindi na nga namin napag-usapan yung Carlo issue,”

Camille is happily married to John Yambao.

A photo of Camille Prats wearing a white dress.
PHOTO/S: COURTESY: @CAMILLEPRATS ON INSTAGRAM

MAJA SALVADOR (2007-2009)

Hindi naman papahuli ang mga bashers sa pagtuturong si Maja ang namagitan sa pagsasama nina Carlo at Angelica na eventually ay nag-lead sa breakup.

Mariin itong dinenay ni Maja.

Pero ayon kay Carlo, seryoso siya sa panliligaw kay Maja at tingin niya ay hindi magiging isyu kung may kanya-kanya silang love teams.

“Trabaho naman kasi ang love team. Ako naman, alam ko namang lumagay. Basta trabaho, trabaho sa akin,” pag-assure ni Carlo sa kanyang panayam with PEP sa kanya noong March 26, 2007 sa Zirkoh Greenhills.

A few months after, itinigil ni Carlo ang panliligaw.

Lahad ng binata sa article ng PEP.ph noong April 2, 2007, “Kinausap ako ni Maja kasi magulo na raw ang lahat. Hindi raw muna siya magpapaligaw.

“Okay lang and bilang respeto sa gusto niya, titigil ako. Pero it doesn’t mean na hindi ko itutuloy. I really like her at handa naman akong maghintay.”

Kinumpirma ni Carlo noong March 2009 na nagsimula ulit siyang manligaw kay Maja.

“Yeah, dating ulit kami, for a month and a half or almost two months na. Happy ako.

“Alam mo yung feeling ng dating. Parang umpisa, parang high school. Bumabalik ka sa pagkabata. So, sobrang masaya ako. Hindi naman ako nagmamadali, e,” kuwento niya sa PEP.ph.

Dagdag pa niya nang tinanong kung bakit siya nanligaw muli at kung si Maja talaga ang gusto niya, “Oo, e. Emptiness kapag wala.

“It’s eight to nine months din na nawalan kami ng communication.

“Noong time na yun kasi, parang ang daming may ayaw. Feeling ko, kailangang mag-lie low.”

Carlo further clarified na hindi talaga naging sila ni Maja kahit noon.

“Hindi, MU (mutual understanding),” diin niya.

“Parang paganon na, pero hindi nga namin matuloy kasi parang feeling namin, kapag itinuloy, mas lalong gugulo, mas lalong magkakaroon ng problema.”

Hindi nga nakamit ni Carlo ang matamis na oo ni Maja, and, eventually, they parted ways.

maja salvador
PHOTO/S: JERRY OLEA

MAYO SUZUKI (2007)

Around the same time ng kanyang panliligaw kay Maja, there were talks na nanliligaw din siya sa aspiring singer na si Mayo Suzuki.

Nagkaroon sila ng connection initially nang makipag-communicate ang kampo ni Mayo kay Carlo and asked him na maging part ng mall tour para sa debut album ng dalaga.

Ayon sa kuwento, binigyan pa raw ni Carlo si Mayo ng isang dosenang long-stemmed roses as a birthday gift.

Mayo then decided to invite Carlo as her official partner sa debut niya na ginanap noong March 24, 2007.

Pinabulaanan ito ni Carlo sa interview niya with PEP.ph nung mismong debut ni Mayo na ginanap sa Philippine Army Officers Club sa The Fort.

Saad ng aktor, “Nagtaka ako kung bakit hindi pa kami umuwi ni Mommy kasi antok na antok na ako.

“Pero sinabi ng Mommy ko na dadaan daw kami ng birthday party ni Mayo. Invited pala ako na hindi ko alam.

“Kung escort ako, sana umpisa pa lang ng party ay nandoon na ako at katabi ko siya.

“E, pagdating nga namin doon [sa venue], pinapahinga pa nga ako sa dressing room.

“Nakatulog pa nga ako bago ako tinawag para lumabas. Ni hindi nga ako kasama sa 18 roses.

“Kasi naman, ang daming nag-18 roses kaya naguluhan talaga ako sa party na iyon.”

After the debut, naging friends pa rin naman sila, and nothing more beyond that.

KRISTINE NIETO (2011-2017)

Ayon sa ABS-CBN, long-time girlfriend ni Carlo si Kristine Nieto, na naging business partner niya rin.

Gusto raw ng dalawa na magtayo ng diner. However, nauwi ang plano nila sa food truck that primarily serves burgers.

After about six or seven years into the relationship, Carlo and Kristine called it quits.

This was about the same time na na-cast si Carlo sa leading role with Bela Padilla in Meet Me in St. Gallen (2018).

At the time, he was hesitant to take on the role dahil sa kanyang “pinagdadaanan.”

Saad ni Bela sa kanyang panayam with PEP.ph noong January 2018, “Yes, he told us naman.

“Sinabi niya naman sa amin sa set na may pinagdadaanan nga daw siya nang panahon na yun.

“He told us not for anything, but for us to understand na kung bakit minsan lutang siya at kung minsan ay tulala siya, para siguro hindi kami manibago.

“Saka humingi siya ng tulong at sinabi niya na ‘nalulungkot ako today.’ Nagso-sorry din siya sa amin sa sitwasyon niya na yun.

“Hindi naman naapektuhan yung acting ni Carlo sa movie namin, bagkus mas gumaling pa nga siya lalo, e.

“Mas naging emosyonal yung mata niya at alam mong may bitbit siya pagdating sa shooting, may karga yung mata niya na luha.”

He was single for about a year bago ulit siya namataan ng mga netizens na may kasamang special someone.

ANGELICA PANGANIBAN (2018)

Pebrero 2018 ang release ng Meet Me in St. Gallen.

Pero Enero pa lang ay nagkaroon na ng public exchange ang dalawa sa Twitter, matapos maglabas ng teaser si Angelica tungkol sa kanyang book na Para Kay Ex.

Pinadalhan din ni Carlo si Angelica ng bouquet of flowers nung Valentine’s Day, at naulit ito sa book launch ng mestiza actress noong February 24.

Marso ay nagpunta ang dalawa sa Australia.

The following month, it turned out na may pelikula sila, ang Exes Baggage. Tulouy-tuloy ang pagpapakilig ng dalawa.

Sa 33rd birthday ng aktor noong September 3, nakakakilig ang message ni ANgelica kay sa birthday boy.

Published as is, aniya, “Sayo lang hindi nagbago ang salitang pagmamahal. Maligayang kaarawan @jose_liwanag.”

But two days later, on the day of the presscon, nilinaw ni Carlo na hindi siya nanliligaw muli sa ex.

Gayunpaman, tuluy-tuloy ang posts ng dalawa sa social media na magkasama sila. Meron pang photos kung saan dumaan sa bahay ni Angelica ang parents ni Carlo. At nung December 25, kasama pa sa Christmas family photo ni Angelica si Carlo.

Akala talaga ng CarGel fans ay nagbalikan ang dalawa dahil madalas pa ring magkasama ang dalawa kahit tapos na ang promo para sa pelikula nila.

Pero January 9, 2019, in-unfollow ni Angelica si Carlo sa Instagram.

Noong January 15, may cryptic post si Angelica tungkol sa pagiging heartbroken, and the floowing day, about moving on.

January 17, may sighting kay Carlo…with another girl, not Angelica.

TRINA CANDAZA (2019-2022)

Sa report ng PEP.ph, Carlo was spotted more than a few times na may kasamang non-showbiz girl, na nakilalang si Trina.

According to some netizens, nakita na nila ang dalawa together as early as 2018, but this was never confirmed.

What was confirmed were the sightings in La Union noong January 2019.

Within the same month ay nakita muli silang magkasama while having dinner sa isang mall sa Makati.

Carlo himself confirmed in February 2019 na totoong magkasama sila sa La Union, as evidenced by the circulating photos online.

Sa panayam with PEP.ph sa solo presscon ni Carlo noong July 30, 2019, matipid ngunit malaman ang naging statement niya on the real score with Trina.

“Happy kami,” simpleng tugon niya.

Hindi pa doon natapos ang mysterious sightings dahil nakita ulit silang magkasama noong July 2019 sa isang birthday party ng kanilang common non-showbiz friend.

May non-showbiz friend na tinawag pa silang lovebirds.

July 30, 2019 ay nakita ulit silang magkasamang nagwo-workout. This sparked more rumors that they were indeed in a relationship.

October 8 of the same year, umamin si Carlo about Trina during his interview with Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda (2015).

Kinatigan naman ito ni Trina in her Facebook post dated March 12, 2021 about how they came into each other’s lives.

Her post reads:

“…May 2018 nagkakilala kami, January 2019 naging kami na…”

Around a year (September 7, 2020) into their relationship nang nagkaroon ang dalawa ng baby—si Enola Mithi.

They announced in March 2021 na may plano na silang magpakasal, ngunit wala pang detalye. Hindi pa rin nag-propose si Carlo at this point.

Pero may idea na siya how he would go about it.

Share ni Carlo sa media people sa kanyang presscon para sa isang beauty brand noong February 25, 2020, “Maganda sana, sa mountaintop!

“Kasi simple lang naman ako, hindi naman ako ganoon kagarbo. Mahilig kasi ako sa nature. Umaakyat ako sa bundok.”

Mukhang hindi na matutuloy ang kasalan dahil more than a year later, nag-post ng cryptic message si Trina sa kanyang Facebook page na tila on the rocks ang kanilang relasyon.

Saad niya sa post na may petsang January 27, 2022, (published as is): “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…

“Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago (laughing crying emoji)”

Not long after, nag-move out ang mag-ina sa poder ni Carlo para lumipat sa condo unit ni Trina.

July 2022 when she shared na malabo ang konsepto ni Carlo ng commitment na siyang naging mitsa ng kanilang paghihiwalay.

Sa Q and A portion na ginanap sa Instagram page ni Trina noong July 8, 2022, sinabi niyang (published as is) “[B]ecause one of us wasn’t sure and didn’t understand the commitment of starting a family.“

They were spotted together sa second birthday party ni Mithi noong September 7, 2022.

Trina clarified sa YouTube vlog niya na on good terms sila ni Carlo.

“Yung status namin ngayon, we’re okay, nag-uusap kami. Actually, ngayun-ngayon lang kami naging okay, talagang nagkakausap kami.

“But ,of course, para kay Mithi, okay naman kami. Nagbi-visit siya dito sa condo pag wala siyang work and lakad. Stay siya dito for a few hours.

“Nagmo-mall din kami together, kaming family. So ayun, parang kakain lang.

“Dinadala si Mithi sa Kidzoona. Video call if busy siya, nasa work or nasa ibang country.”

Ayon sa lathala ng PEP.ph on September 2022, Trina said na hindi niya isinasarado ang isip sa posibilidad na magkabalikan sila.

“Ang hirap magsabi ng oo o hindi o wala kasi di mo naman alam kung ano yung mga mangyayari.

“Ang hirap din i-process nung mga nangyayari pa ngayon. Natatanggap na, pero prino-process pa at nag-a-adjust pa.

“So, di ko alam, e. Pero siyempre, di naman iko-close yung doors kasi meron kaming anak.”

Mukhang nagbago na naman ang ihip ng hangin dahil sa year-ender post ni Trina ay malinaw na nagpatama siya sa kanyang ex.

Ayon sa kanyang Instagram post noong January 1, 2023 (published as is):

“Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather.

“So I will be reminded of how I braved through it all. We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us.

“But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life.”

Sa panayam ni Trina kay Ogie Diaz noong January 2023 sa vlog ng huli, ipinagtapat niyang December 2021 pa lamang ay hiwalay na sila ni Carlo.

“I can admit that ang toxic ko that time, but I tried to be positive para sa anak namin,” paliwanag niya.

September 13, 2023 when PEP.ph caught wind of updates regarding Carlo Aquino through a reporter of DZRH that the actor was seen sa isang korte ng Regional Trial Court, Quezon City.

Based sa resource person, may isinampang kaso si Carlo laban kay Trina when it comes sa visitation rights ng kanilang anak. Furthermore, matagal na diumanong naka-file and case sa korte. So, this is most likely one of the hearings when both parties should be involved, including the child.

Some people who are close to Carlo were asked, ngunit wala raw silang ideya tungkol sa kaso related to this. Ang alam lang daw nila, ayaw ipahiram ni Trina si Mithi, ang anak nila. Kailangan daw ni Carlo pumunta sa condo unit ni Trina kung gusto niyang madalaw ang bata.

Ito ang isa sa mga iniisip na dahilan kung bakit wala si Carlo sa third birthday party ng anak.

Incidentally, nabanggit ni Ogie Diaz sa vlog niya ang pagdalo niya sa birthday party ni Mithi, kung saan imbitado si Carlo at ang kanyang mga magulang.

A photo of Trina Candaza.

CHARLIE DIZON (2023)

December 29, 2022 nang pumutok ang balitang Carlo is having a relationship with Charlie dahil ito sa isang group photo nila with some non-showbiz friends.

Makikita sa larawang post ni Charlie sa kanyang Instagram account na magkatabi silang nakaupo ni Carlo at magkaangkla pa ang mga braso. Nasa lap pa ni Charlie ang braso ni Carlo.

January 2, 2023 nang magpost ang isang restaurant sa La Union ng larawan ni Carlo kasama ni Charlie while posing in a group photo.

Not long after ay umamin siya sa panayam with PEP about their relationship status.

“I’m getting to know more about her,” sambit ng binata.

Ang latest nitong February 8, nag-flex si Carlo tungkol kay Charlie sa kanyang Instagram video showing snippets from their trip to Japan.

Ang caption ng aktor: “TokYou have my heart.”

July 20, 2023 nang madulas si Charlie at inaming may relasyon sila ni Carlo.

Nasaksihan ito sa guest apparance ng aktres sa Gud Morning Kapatid, ang morning show ng TV5. Sa huling parte kung saan ipo-promote nila ni Joseph Marco ang seryeng Pira-pirasong Paraiso, ipinakita ang larawan ni Carlo.

“Opo, boyfriend ko po siya,” biglang sabi ni Charlie.

“Ay, first time ko sinabi sa inyo yan,” dagdag pa niya.

Charlie Dizon Fan Girl

PHOTO/S: YOUTUBE (PEP.PH