Stella Suarez Jr. recalls “love-hate relationship” with half-brother Richard Gomez

Stella Suarez Jr. and brother Richard Gomez on inset photo

Stella Suarez Jr., a.k.a. Pinky Suarez, opens up about life before she and younger brother Richard Gomez became showbiz personalities. Stella became popular in the ’80s as a sexy star.
PHOTO/S: YOUTUBE (SNOOKY SERNA) / FACEBOOK (RICHARD GOMA GOMEZ)

Makulay ang kuwento ng ’80s sexy star na si Stella Suarez Jr. a.k.a. Pinky Suarez.

Si Stella Jr. ay kapatid sa ina ng actor-politician na si Richard Gomez.

Ang kanilang ina ay ang dati ring sexy star na si Stella Suarez.

Matapos iwanan ang limelight, namuhay nang tahimik si Stella Jr. dahil na rin sa mga pinagdaanan niya sa buhay.

Pero sa kabila nito, bakas sa kuwento ni Stella Jr. na ang kanyang mga koneksiyon, tulad ng mga kaibigan, ay mula sa showbiz noong kapanahunan niya.

Bukod sa kapatid si Richard, matalik na kaibigan ni Stella Jr. ang pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose.

Matapos ang maraming panahong walang komunikasyon, muli silang nagkaroon ng ugnayan ni Jaclyn noong 2018. Kaya naman isa si Stella Jr. sa mga nagdalamhati nang pumanaw si Jaclyn noon March 2024.

STELLA IS RICHARD’S BIG SISTER

Sa panayam sa kanya ni Snooky Serna na lumabas sa YouTube noong April 12, 2024, sinagot ni Stella Jr. ang tanong kung kambal sila ni Richard.

Paglilinaw niya, “We’re not twins. We’re half-brothers and half-sisters.

“Pero mas nauna akong pinalaki ni Mommy, of course, I’m the eldest.”

Pero naging classmates daw sila ni Richard sa high school dahil tumigil ng isang taon sa pag-aaral si Stella Jr.

Ibinahagi rin niya ang love-hate relationship nila ni Richard noong lumalaki sila.

“Pinipikon niya ako lagi. Sinusubok niya ang patience ko lagi. Ako naman pikon, moody.

“Lagi niya sinasabi, ‘Pinky, how come you’re so sensitive?'”

BEING SEPARATED FROM RICHARD

May pagkakataon daw na nanirahan si Richard kasama ang ama nito. Habang si Stella Jr. naman ay kasama ang kanilang ina.

Pero nang mag-asawa muli ang ama ni Richard, napunta raw si Stella Jr. sa kanilang lola.

Nag-asawa rin noon ang ina nila at nanirahan sa U.S., kaya si Stella Jr. ay nanirahan sa kanyang tiyahin, kapatid ng kanyang ina.

“So, nagkahiwalay kami,” sabi ni Stella Jr.

Kalaunan ay kinuha siya mula sa kanyang tita at nanirahan kasama ang lola. Doon sila muling nagkasamang magkapatid.

Young Stella Suarez Jr. and Richard Gomez

PHOTO/S: YOUTUBE (SNOOKY SERNA)
A younger Stella Suarez Jr. and brother Richard Gomez

AUDITIONING SECRETLY

Habang nasa high school, palihim daw na nag-o-audition si Stella Jr. sa showbiz. Kasama sa kanyang portfolio ang kanyang sexy pictures.

Natuklasan daw ng kanyang lola ang sexy pictures ni Stella kaya kinausap muli ang kanyang tiyahin at natira na siya kasama nito.

Hindi raw tumigil si Stella Jr. sa pag-o-audition.

Minsan daw ay sumama siya sa kanyang pinsan sa isang bar kung saan ito kumakanta.

May naka-discover kay Stella at kinuha siya para sa isang commercial.

Napasali siya sa isang deodorant commercial tampok si Gabby Concepcion. Hindi pa raw nag-aartista noon si Gabby, at ang commercial na iyon ang naging tiket para kuning artista si Gabby.

GOING INTO SHOWBIZ

Ang nakadiskubre raw kay Stella Jr. ay ang pumanaw na talent manager na si Douglas Quijano, na kalaunan ay naging manager din ni Richard.

Nang malaman daw ni Douglas na si Stella Jr. —na noon ay gamit ang personal name na Pinky — ay anak ni Stella Suarez, naging interesado ito.

At ang screen name na ibinigay ni Douglas sa kanya ay Stella Suarez Jr.

Pero hindi raw siya sa Regal Films napunta kundi sa film production outfit ni Baby Pascual, ang Baby Pascual Films.

Ito rin ang film outfit na naglunsad kay Jaclyn Jose at iba pang mga kasabayan nila.

Naging introducing si Stella Jr. sa pelikulang Mahilig, na launching movie ni Tanya Gomez.

Nai-launch si Stella Jr. sa pelikulang Naked Paradise, kung saan nakatambal niya si Jestoni Alarcon na introducing naman sa pelikula. Kasama nila sa pelikula si Charito Solis.

Stella Suarez Jr. in Nakes Paradise movie poster

Habang nagsu-shoot daw ng pelikula si Stella ay sumasama-sama si Richard sa kanila dahil ang location ay sa dagat.

Doon daw na-realize ni Richard na masarap maging artista.

Kuwento ni Stella Jr.: “Yung time na yon, dun na-discover si Richard. Yung time na yon, ayaw pa nga. Ayaw niya talagang mag-artista, noon pa kinukuha na siya.

“Nung sinasama ko na siya, ‘Ahh, okay to, ah.’”

Inilihim daw ni Stella mula sa ina at lola na sexy roles ang tinatanggap niya.

“Hindi ako nagpaalam sa family. Nalaman na lang nila may movie na, Naked Paradise.”

Stella Suarez Jr. pictorial

PHOTO/S: YOUTUBE (SNOOKY SERNA)
 Stella Suarez Jr. in a magazine cover

Nagpatuloy raw si Stella sa paggawa ng mga pelikula at nakatrabaho ang mga batikan at mahuhusay na aktor at mga direktor.

Ilan sa mga pelikulang napabilang siya ay ang Sex Object (1985), Gamitin Mo Ako (1985), The Sisters (1987), at Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay (1987).

Nang gawin niya ang pelikulang The Sisters, muling ginamit ni Stella ang pangalang Pinky Suarez.

“Nag-change na ako kasi nag-drama roles na ako after sexy roles,” sabi niya.

Senyales raw ito ng pag-iwan niya sa sexy roles. Isa pa, marami raw baguhang babaeng artista ang gumagamit noon ng pangalang Stella Suarez.

LEAVING SHOWBIZ BEHIND

Kalaunan ay tumigil na sa showbiz si Stella Jr. at nagpakasal. Nagkaroon siya ng apat na anak na lalaki.

Sa puntong iyon ng interview kay Stella Jr., hindi na siya nagdetalye, pero mahihinuhang nagkaroon ng domestic problem sa kanilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya: “I have four kids. Yung iba napunta sa father nila because that time nag-struggle ako.

“Ang importante sa akin kung saan mas safe ang bata.

“That time na hindi ako nagpakita sa family, sa friends, yun nga yung sinabi ko hindi ako happy sa failures ko. Ang aking self-esteem zero na yata nung time na yon. “

Isang anak daw ni Stella Jr. ang napunta sa kanya, at ito ang ginawa niyang inspirasyon para muling makabawi sa pagkakalugmok.

Sabi niya, “Meron akong anak, so siya ang strength ko. So, kung ano ang narating ko, [it is] because of my son na nasa akin.

“And someday sa lahat ng mga sons ko na na-communicate ko na magsasama-sama rin tayo,” emosyunal na lahad ni Stella Jr.

AWAY FROM SHOWBIZ

Kalaunan ay nakakuha ng trabaho si Stella Jr. sa BPO (business process outsourcing) industry.

At eventually ay napunta sa real estate industry. Tinulungan daw siya ng isang pinsan para magtrabaho bilang isang agent.

Ang pinsan at ang kaibigan ng ina ang tumulong kay Stella para mapag-aralan ang real estate business.

Stella Suarez Jr.

CURRRENT RELATIONSHIP WITH RICHARD

Sa ngayon, sa social media na lamang daw ang komunikasyon nila ng kapatid na si Richard.

Kuwento ni Stella Jr., “Kasi I know he’s busy and, siyempre, may family na siya. And I’m so happy. He’s a good husband and a good father.

“Lahat ng wini-wish niya na meron kami noon, maski ako, nagawa niya.”

Inusisa rin si Stella Jr. kung bukas siyang subukan muli ang showbiz.

Sabi niya, “I’m willing to come back. If they’ll still have me.”