Jayda Avanzado: “Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine”

Jayda Avanzado: “Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine” Source: Instagram

– Sinagot ni Jayda Avanzado ang ilang katanungan sa kanya ni Cristy Fermin nang mag-guest ito sa online show na Cristy FerMinute

– Patungkol ito sa nangyari sa pagkakaibigan nila ni Francine matapos mapansin ng mga netizens na hindi na sila nakikitang magkasama

– Si Francine at Jayda ay kilala bilang BFF o “best friends forever” base sa kanilang mga vlogs

– Inamin ni Jayda na matagal na rin silang hindi nag-uusap ni Francine

Nitong mga nakaraang araw, lumabas ang isyu sa pagitan nina Francine Diaz at Jayda Avanzado, at ayon sa mga alegasyon, ito ang dahilan kung bakit nagtapos ang kanilang pagkakaibigan.

Sa isang episode ng Cristy Ferminute, ang showbiz talk show ng beteranong insider sa showbiz na si Cristy Fermin kasama si Romel Chika, tinanong si Jayda tungkol sa nangyari sa kanila ni Francine.

Aminado si Jayda na matagal silang hindi nag-uusap ni Francine. Ibinunyag niyang ang huling pagkakataon nilang nag-usap ay nang batiin niya si Francine sa kanyang kaarawan.

Tinanong ni Cristy si Jayda kung totoo bang sa isang party sila at si Andrea Brillantes (Blythe) ay nagpakuha ng litrato. Ito daw ba ang dahilan at nagalit si Francine.

Ipinaliwanag ni Jayda na totoo na sila ni Blythe ay nagpakuha ng litrato dahil ang huli ay isa sa mga co-host ng party na iyon.

“Importante po na nakikisama ako sa lahat ng tao sa industriya,” sabi niya, dagdag pa na alam niya ang pagkakaroon ng mga negatibong komento matapos ang pangyayaring iyon.

Sinabi pa ni Jayda na dahil hindi siya trinato ng masama ni Blythe o ginawan siya ng anumang masama, hindi niya makita ang anumang isyu kung sila ay magkakaroon ng litrato.

Pagkatapos, binasa ni Cristy ang isang komento mula sa isang netizen na nagsasabing akala nila ay si Seth Fedelin, ang loveteam partner ni Francine Diaz, ang dahilan sa likod ng isyu.