Carla Abellana (left) says it is no longer her place to comment about the new relationship of her estranged husband, Tom Rodriguez (right).
“It’s not any of my concern anymore,” ang sabi ni Carla Abellana sa balitang may bago nang idine-date ang estranged husband niyang si Tom Rodriguez.
Nagbigay ng maikling pahayag ang Kapuso actress sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, nitong Biyernes, March 22, 2024.
Ani Carla, wala na siya sa posisyon para magbigay komento sa personal na buhay at desisyon ni Tom.
Saad niya, “I don’t see the need to comment or even react.
“Parang it’s not any of my concern anymore, parang ganon.
“Kumbaga I am aware naman na nakabalik na siya [sa Pilipinas].”
Isa lang daw ang masisiguro ngayon ni Carla, na handa na siyang harapin si Tom anumang oras na sila’y magkasalubong o magkita lalo na’t nasa iisang bakuran lang sila ng GMA-7.