Cedric Lee maintains innocence amid conviction

Pinanindigan ni Cedric Lee na inosente siya sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Ito ay sa kabila ng hatol na guilty sa kanya at mga kapwa akusadong sina Deniece Cornejo, Simeon Raz, at Ferdinand Guerrero sa desisyon na binasa ni Taguig Regional Trial Court Branch 153 Judge Mariam Bien kahapon, May 2, 2024.

Reclusion perpetua o life imprisonment ang ipinataw sa kanilang sentensiya.

Sa isang maiksing panayam sa negosyante matapos itong sumuko kay National Bureau of Investigation (NBI) director Atty. Medardo Dilemos kagabi, sinabi nitong nagulat pa rin siya sa desisyon ng korte.

Cedric Lee maintains innocense after life imprisonment decision

Iginiit din niyang walang karumal-dumal na krimeng nangyari noong January 2014.

“Kung wala yung mga elements, hindi talaga pasok yung crime.

“The most, yung nagkasakitan lang, di ba? Pumalag din naman siya [Vhong] so nagkasakitan lang.

“Hindi dapat na magkaroon ng life imprisonment,” giit ni Cedric sa panayam ng News5.

Naghayag din ng pagkabahala si Cedric sa kaibigan at co-accused na si Deniece Cornejo, na biktima lang diumano ni Vhong.

Nanindigan din siyang “na-rape” si Deniece.

Pahayag ni Cedric, “Lalung-lalo na si Deniece, siya na nga yung na-rape, siya pa yung nakakulong.

“Itong isa, ang dami nang nire-rape, nakalaya pa, nagsasayaw pa sa show niya,” pagtukoy niya kay Vhong.

DENIECE CORNEJO’S GRANDFATHER REACTS TO COURT DECISION

Samantala, sa panayam ni Cheryl Cosim ng One Balita Pilipinas ng News5 pa din, sinabi ng lolo ni Deniece na si Rod Cornejo na ikinagulat nila ang naging hatol ni Judge Bien.

Explainer: Serious illegal detention for ransom, what is it?

Ayon dito, “Well, a combination of sadness and shocked. Sadness and shocked. Shocked because I didn’t expect such verdict.

“Sadness because, you know, family, a member of our family. She will go to prison for the rest of her life. Napakalungkot.”

Nakakulong na si Deniece sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Kabilang din sa nahatulan ng kaparehong pagkakakulong ang mga kapwa-akusado nilang sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.

Sampung taon na ang kasong ito na nagsimula lamang sa isang simpleng pagkikita nina Vhong at Deniece Cornejo at nauwi sa isang matinding legal battle.

Maaari pang idulog ng mga nahatulan ang naging desisyon ng Taguig RTC sa Court of Appeals at Supreme Court.