Ikinuwento ni Andrea Brillantes, 20, na bata pa lang siya ay nakaranas na siya ng bullying.
“Naka-experience po ako noon. My whole life, actually—nursery, grade school, high school, and dito sa showbiz industry, and the people on social media,” saad ni Andrea sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Iba-iba raw ang paraan ni Andrea kung paano niya hinarap ang pambu-bully sa kanya noon.
“May minsan, palaban ako.
“Tapos, madalas kasi kapag dini-defend ko sarili ko, ako pa yung napapasama.
“Like, for example, I stood up to my bully noong grade school, and ako yung napa-principal’s office.
“At ako lang mag-isa, ha? Like, hindi kasama talagang bully.”
Napatawag daw siya sa principal’s office para ipaliwanag ang bersyon niya ng kumprontasyon niya sa nam-bully sa kanya.
“Pinagalitan ako kung ba’t ko daw sinabi mga ganung bagay. Sabi ko, ‘E, kasi siya, e. Kakainis siya, e. Siya naman yung nauna, e.'”
Ngayong dalaga na siya at nagtatrabaho bilang artista, nakakaranas pa rin daw siya ng pambu-bully mula sa bashers kapag nasasangkot siya sa mga isyu.
Huling naranasan niya raw iyon ay noong tawagin siyang “malandi” at “puro boys” lang ang inaatupag nang maglaro siya ng “Date or Pass” sa kanyang vlog noong August 21.
Naglabas agad noon si Andrea ng TikTok video para kuwestiyunin ang pambabatikos sa kanya gayong marami raw siyang inilagay na disclaimer na katuwaan lang ang pagsabi niya sa vlog kung sino ang personalities na pasado sa kanya na maka-date.
“May mga times lang talaga na parang this is too much.
“Or usually sumasagot ako sa basher kapag hindi siya totoo. Pag important matter siya na hindi totoo,” paliwanag ni Andrea sa PEP.ph.
“Kasi ang dami rumors, hindi lahat yan mako-correct ko. But, like, if it’s really affecting my reputation or my family, I speak up.
“And if recently parang meron lang super na sexist lang ako na mga statement, like dun, clear ko lang yung name ko kasi I just don’t think it’s right.
“And I do have the right to defend myself.”
Paraan daw niya iyon para matuto rin ang netizens na hindi sa lahat ng pagkakataon ay palalampasin niya ang mga negatibong pananalita laban sa kanya.
“At saka ano lang, I find freedom po kasi with being truthful and honest,” ani Andrea.
Pero natuto na rin daw si Andrea na piliin kung anong mga batikos ang sasagutin niya.
“So, madalas kasi may mga bagay na kapag may gusto ko sagutin na basher, iniisip ko muna siya for mga two days.
“Kapag hindi pa rin siya nawawala sa utak ko, fine. Sasagutin ko na.
“Pero, like, kapag nawala na agad, ibig sabihin it doesn’t really matter.
“Ngayon, I just choose my battles. Kasi I’ve learned na may mga tao, may mga opinion na wala naman ambag sa buhay. So, ba’t kailangan pang isipin?”
Nakapanayam ng PEP.ph si Andrea pagkatapos ng mediacon para sa kanyang digital series sa Prime Video na Comedy Island Philippines.
ON BEING SINGLE
Pagdating sa pagiging single, sinabi ni Andrea na “masaya” ang lagay ngayon ng puso niya.
“I’m healed,” nakangiting saad ni Andrea.
Bukas ba siyang magmahal ulit?
Sagot niya, “I’m ready when it comes, pero for now, masaya na nga ako kung anong mangyari.
“Pero hindi, I’m not looking for or searching for love. Kasi I have naman love from within for myself.”
So, gusto niya na kusang dadating lang at hindi niya hahanapin ang tamang lalaki sa kanya?
“Yeah, pero sa ngayon, huwag muna.”
ON WHAT MOTIVATES HER TO WORK HARD
Tampok si Andrea sa Comedy Island Philippines, isang six-part comedy reality series kunsaan nagpakitang-gilas ang mga bidang artista sa kanilang improvisational skills sa pagiging comedian.
Kasama ni Andrea sina Jerald Napoles, Carlo Aquino, Rufa Mae Quinto, Cai Cortez, Drew Arellano, Awra Briguela, at Justin Luzares.
Na-enjoy raw ni Andrea nang husto ang proyekto dahil gumanap siya bilang sarili niya.
Sabi niya sa pinaka-memorable part ng series, “Yung mga challenges, yung games, kasama silang lahat.
“Kasi mahilig ako sa mga games. Especially, meron doong game na dati ko pang nilalaro sa kalsada lang sa labas ng bahay ko.
“So, super nostalgic po nun para sa akin.”
Na-appreciate din daw niya ang co-stars dahil in between takes ay nagkaroon sila ng bonding moment kunsaan pinayuhan siya pagdating sa pag-ibig.
Sunud-sunod ang proyektong ginagawa ngayon ni Andrea, at inspirasyon daw niya ang kanyang pamilya.
“Madami pa po kasi ako pangarap in life.
“Madami pa po ako hindi ko pa na check-off sa aking checklist. Madami ko pa gustong mabili for my family. Madami ko pa gustong puntahan sa buhay ko.
“So, hindi pa ako talaga puwede mag-stop now.”
Dugtong ni Andrea, “And I really do love my job. Passion ko po talaga ang acting.
So, why should I stop?”
Kung may investment siya gustong pag-ipunan, ano iyon?
Nakangiting sagot ni Andrea, “I really want to have my own farm in the future. Probinsiya na life.”