Dina Bonnevie may pahayag tungkol kina Danica and Marc

Dina Bonnevie with children Danica and Oyo Sotto

Malaki na ang ipinagbago ng ugali ni Dina Bonnevie.

Siya mismo nagsabi nito sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang Biyernes, May 10, 2024.

Mapagkumbabang sinabi ng aktres na naging mas mapagpatawad siya at hindi na mapanghusga sa kapwa.

“I became a forgiver and I stopped being judgmental kasi before I was so judgmental,” pag-amin ni Dina.

“Masyado akong feelingera noon. Ang feeling ko, ang ganda-ganda ko. Palagi akong tama.

“But then you realized na, ‘Hey, you’re not always right. Marami ka rin mali.'”

DINA BONNEVIE ON CHILDREN’S PROBLEMS

Taliwas sa maling akala, hindi nakikialam si Dina sa mga personal na problema ng kanyang mga anak na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto.

Maliban lang kung hinihingi ang opinyon at payo niya.

Sa hindi naipalabas na bahagi ng panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda, may maikling komento si Dina tungkol sa isyu ng pagkakaugnay ng manugang na si Marc Pingris, asawa ni Danica, sa aktres na si Kim Rodriguez.

Bago raw naglabas ng pahayag ang mag-asawa, nagkaroon siya ng kutob.

Kuwento ni Dina, “Matagal ko nang narinig, pero hindi ako nakikialam until my daughter tells me something.

“Ilang beses, punta siya [Danica] nang punta sa bahay, wala naman siyang sinasabi, until nung lumabas [ang balita] nung Holy Week. Nag-statement si Marc, parang nag-react yung kids.”

Danica Sotto and Marc Pingris kids: Jean Michel (R), Anielle Micaela (2nd from R), and Baby Jean-Luc

Tila nagulat siya sa ginawang paglalabas ng statement.

Ani Dina, “Dun na ako nag-react, ‘Bakit kailangang mag-statement kung hindi naman totoo?’ Kasi nga, the kids already demanded it.

“But I don’t make pakialam. As much as possible, sabi ko, ‘When you’re married, I stay out. The only third person in your marriage should be God.”

At kahit daw may napapansin siya, hindi ito mangingialam.

Bahagi ng madalas niyang sabihin sa mga anak, pati na rin sa mga manugang na sina Marc at Kristine Hermosa: “If you think God cannot solve your problem then maybe I can suggest. I can give some tips or some advice.’

“But if they don’t, I never…Never akong nagtanong kahit minsan ang dami rin nagko-comment kina Tin [Kristine] and Oyo, I never call them and say na, ‘ Ano ito? Bina-bash kayo.’

“Unless troubled na sila na, ‘Mommy, may namba-bash sa amin, hindi naman totoo.’”

Oyo Sotto, wife Kristine Hermosa and their kids (R-L) Kiel, Kaleb, Vin, Vittorio Isaac, and Ondrea

DINA BONNEVIE, NOT A KUNSINTIDORA LOLA

Bilang lola, itinanggi niyang kunsintidora siya sa kanyang mga apo.

“I am not a spoiler,” deklarasyon ni Dina.

“I am such a disciplinarian. Kapag may mali, ‘You’re not supposed to talk to your mom like that.’ Pero una, quiet ako.

“Kapag hindi umaalma yung parents, kalma ang loley. Nung una, sabi ni Marc, ‘Mik, you behave, I’ll buy you an iPad.’

“‘Marc! Huwag mo nga i-spoil yung bata! Reward kaagad, e, nakikita mo na nga nagdi-disobey.’

“Alam naman nila I am a disciplinarian.”

Pero hindi naman daw siya parating istrikto.

Dugtong ng aktres, “I’m also a fun loving lola, but yun nga lang, kapag minsan hindi nag-o-obey yung bata, ‘Hala, Mama D is here na!’

“Sabi ko, ‘Huwag ninyo nga akong gawing panakot. Ano ako, insecticide?’ Parang, ‘Oh my god, my lola’s here, she’s gonna hit or kill me.'”