Comedian Lassy Marquez mourns death of his father

Nagluluksa ngayon ang comedian-TV host na si Lassy Marquez sa pagpanaw ng kanyang ama na si Rolando Marquez.

Sa magkakasunod na Facebook posts ngayong Huwebes, May 16, 2024, inihayag ni Lassy ang kanyang paghihinagpis sa pagkawala ng pinakamamahal na ama.

Kalakip ng unang post ang litrato niyang nakayakap sa ama at nakahawak sa kamay nito.

Sa caption, emosyunal na nagpaalam at pinasalamatan ni Lassy ang kanyang ama.

Mababasa sa caption ng It’s Showtime co-host (published as is): “Paalam DADA ko [crying in tears and broken heart emoji].

“Mahal na mahal kita at mahal na mahal ka namin alam mo yan. Maraming Salamat sa memories at pagmamahal mo sa amin bilang isang ama.

“Hinding hindi kita malilimutan kahit kailan. Tatandaan ko ang mga huling habilin mo bago ka pumanaw.

“Ako na rin ang bahala sa Pamilya natin lalo na kay mama. Kaya wag kang mag alalla. At Gabayan mo lang kami lagi.

“Hanggang sa muli Dada ko. Mahal na mahal kita.”

Sa isa pang post, ibinahagi ni Lassy ang sakit na nararamdaman at pangungulila niya sa ama.

Aniya (published as is), “Dada Sobrang namimiss kita ngayon. Ang sakit sakit. Ang bigat.

“Lord God kayo napo ang bahala sa amin buong pamilya. Bigyan nyo po kami ng lakas.”

LASSY ASKS PRAYERS FOR THE HEALING OF HIS FATHER

Hindi binanggit ni Lassy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.

Ngunit bago ito pumanaw ay humingi pa ng pabor si Lassy sa kanyang mga tagahanga na ipagdasal ang paggaling ng ama.

Post niya sa kanyang Instagram Stories nitong May 15 (published as is), “Tulungan nyo po ako magdasal para sa tatay ko po. Kailangan ko po ngayon #dada #prayforhealing.”

Comedian Lassy Marquez mourns death of his father

Nasundan pa ito ng Facebook post na, “Panginoon tulungan nyo po ako [praying emoji].

“Wag muna please. Wag ngayon.”