DJ Mo at Bunny Paras, nagkita muli sa kasal ng kanilang anak

Ang pagkikita ng mag-amang Mohan “DJ Mo Twister” Gumatay at ng kanyang anak na si Moira Greenway ang isa sa mga madamdaming tagpo na nasaksihan sa kasal ni Moira sa fiancé nitong si Nicholas Asbury.

moira greenway mo gumatayMoira and her biological father DJ MO Twister / Photo: PEP File

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Moira at Nicholas sa Magnolia Building, Lakeland, Florida, USA, noong Linggo, May 19, 2024 (Lunes ng madaling-araw, May 20, sa Pilipinas).

moira nicholas wedding pep

The newlyweds: Moira Greenway and Nicholas Asbury / Photo: PEP File

Si Moira ang bunga ng pagmamahalan noon ni DJ Mo at ng dating aktres na si Bunny Paras.

Maligayang-maligaya si Moira sa araw ng kasal nila ni Nicholas dahil dumalo ang mga mahal niya sa buhay.

Bukod sa kanyang biological father at sa ina nitong si Josie Gumatay, kumpleto ang buong pamilya ni Moira—ang kanyang ina na si Bunny, ang pangalawang ama na si Tom Greenway, ang tatlong kapatid niya, ang tiya na si Sharmaine Arnaiz at anak nito, at ang kanyang lola Candy.

moira greenway mo gumatay

The bride with her biological father DJ Mo Twister and paternal grandmother Josie Gumatay / Photo: PEP File

moira nicholas wedding

Moira and Nicholas with the parents of the bride, Bunny Paras and Tom Greenway / Photo: PEP File

moira nicholas wedding pep

Moira and Nicholas with her mom Bunny (extreme left), maternal grandmother Candy (second from right), and aunt Sharmaine Arnaiz (extreme right) / Photo: PEP File

moira nicholas wedding

Moira’s little siblings / Photo: PEP File

DJ MO, BUNNY, AND MOIRA

Matagal na panahong hindi nagkita nang personal sina Moira at DJ Mo kaya tiniyak ni DJ Mo na makadadalo siya sa kasal ng panganay na anak.

Maliban sa groufie photo, walang litratong kasama nina Bunny at DJ Mo ang kanilang anak.

moira nicholas wedding p

A groufie where ex-couple DJ Mo Twister (extreme right) and Bunny Paras (third row, right) can be seen together / Photo: PEP File

Pero symbolic ang larawan nina Bunny at Moira habang nahagip sa background si DJ Mo, at ito ang nag-iisang litratong hindi sinasadyang nakunan silang tatlo.

bunny paras daughter moira greenway

In this photo, DJ Mo can be seen in the background while Bunny and Moira pose for the camera / Photo: PEP File

Tinanong ng Cabinet Files si Bunny kung nagkaroon sila ng pagkakataon ni DJ Mo na magkausap.

Sagot ng dating aktres, “Nagkabanggaan kasi kami. Nag-hi lang kami and I said, ‘You made it.’ He said, ‘Thanks for having us.’

“That’s all the whole night. Small talk lang.

“Okay na yon. Ang importante, happy si Moira.”

Halakhak naman ang reaksiyon ni Bunny nang biruin siya ng Cabinet Files kung may narinig ba siyang kantang “Maybe This Time” nang magtagpo sila ni DJ Mo makalipas ang matagal na panahon.

Nakunan din ng larawan ang pag-uusap nina DJ Mo at Tom, ang nakagisnang ama ni Moira.

dj mo tom greenway

DJ Mo Twister having a small talk with Tom Greenway / Photo: PEP File

Larawan ng kaligayahan si Moira sa araw ng kasal nila ni Nicolas dahil kumpleto ang kanyang mga mahal sa buhay.

Narito ang iba pang mga kuhang larawan sa kasal nina Moira at Nicholas…

moira nicholas wedding pep

moira greenway and her bridesmaids

moira greenway tom greenway

The bride and the father of the bride

moira greenway, tom greenway wedding march

Moira and her dad tom during the wedding march

moira greenway josie gumatay

Moira with paternal grandmother Josie Gumatay

moira nicholas wedding pep

Moira and Nicholas’s first dance

moira nicholas wedding

The bride and the groom during the reception