Elisse Joson prays for right time to marry McCoy de Leon

Elisse Joson on daughter: “Gusto kong i-enjoy ni Felize yung pagkabata niya.”
Elisse Joson wants to make relationship with McCoy de Leon private
Kapamilya actress Elisse Joson on being a mother to daughter Felize: “Kasi ngayon, parang gusto kong i-enjoy ni Felize yung pagkabata niya. And siya mismo maka-discover kung ano yung mga gusto niya, mga ayaw niya. And then doon lang ako papasok kapag napapahamak na.”

Taong 2017 pa sumibol at nagsimula ang pagmamahalan nina Elisse Joson at McCoy de Leon habang ongoing ang ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Lucky 7 (2016-2017).

Naghiwalay man sila noong 2019, nagkabalikan sila taong 2020.

Tatlong taon na ang kanilang anak na si Felize.

Napag-usapan na kaya nilang i-level up ang kanilang relasyon at magpakasal?

Sagot ni Elisse, “I think it’s gonna come when the timing is right.

“Parang… pinagpi-pray ko po na ngayon masunod yung aming parang tamang pagkakataon, tamang timeframe.”

Kumusta sila ni McCoy bilang mga magulang?

“Parenting? Siya yung mas disciplinary,” pagtukoy niya sa aktor.

Spoiler ba si Elisse?

Tugon ng aktres, “Hindi naman, pero kasi ngayon, parang gusto kong i-enjoy ni Felize yung pagkabata niya.

“And siya mismo maka-discover kung ano yung mga gusto niya, mga ayaw niya.

“And then doon lang ako papasok kapag napapahamak na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang media at vloggers si Elisse sa launching niya bilang bagong endorser ng New Moon Soft Glow nitong nakaraang Sabado, May 25, 2024, sa Manila House, Bonifacio Global City, Taguig City.

Isinabay rin sa okasyon ang contract signing ni Elisse bilang bagong ambassador kasama ang New Moon PH executives.

Elisse Contract signing as New Moon PH ambassador
PHOTO/S: ARNIEL SERATO

Ayon kay Elisse, “I always want to be grateful for anything that’s given to me.

“So, kapag may opportunity, siyempre if the product works for me, yun ang importante, I will definitely go for it nang walang isip-isip.”

Sinubukan daw muna niyang gamitin ang produkto. At malaking tulong daw ito sa kanya dahil nabawasan ang oras niya sa pag-aayos para sa sarili.

Mas may panahon na raw siya sa anak na si Felize.

Mahirap bang i-maintain ang pagiging maganda?

Sagot ni Elisse, “Hindi niyo na siguro napapansin outside, pero siyempre pag mother ka na, yung mga highs and lows, extremes.

“So, hindi niyo nakikita yung walang-wala talaga. Yung lows, up the lows. Ang nakikita lang natin is the celebratory highs of life.

“But kung yung tanong is mahirap bang mag-maintain, mas mahirap mag-maintain yung inner wellness, kaysa yun.

“Because I think sa beauty, naturally yun lalabas if you’re happy inside.”