Andi Eigenmann breaks silence on Philmar Alipayo viral video

Tila sinagot na ni Andi Eigenmann ang isyu tungkol sa viral video ng fiancé niyang si Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, May 27, 2024, tila may pahaging si Andi sa isang taong nagpapapansin lamang umano at ginawan ng malisyosong istorya ang video ng pakikipagkuwentuhan ni Philmar sa kanya.

Hindi man tinukoy sa post si Philmar, malinaw sa pahayag ni Andi na malayang-malayang lumabas ang fiancé kasama ang kanyang mga kaibigan, makipag-inuman paminsan-minsan, at makikipag-usap kanino man.

Buong post ni Andi, “He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.

“What’s shameful is purposely posting and editing a video to ause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention”

Noong Biyernes, May 25, nag-viral sa TikTok ang ipinost na video ng isang influencer/video creator na si Crissa Liaging kasama si Philmar sa Siargao.

Binigyang kulay ito ng netizens na alam ang love story ni Philmar at ng aktres na si Andi.

Makikita sa viral video na nag-uusap ang TikTok content creator at negosyanteng si Crissa at Philmar.

Caption ng uploader sa video, “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!”

Umabot kaagad ng million views ang video, pero binura ito ni Crissa.

Ni-reupload lang niya ito ulit na may kaparehong caption.

Sinaliwan din niya ito ng kantang “Weak” ng American R&B vocal trio SWV.

Hindi naman ikinatuwa ng netizens ang pag-post ng Crissa ng nasabing video dahil parang nilalagyan ito ng malisya.

Komento ng isang netizen, “Ang music et. Sure jud et? Haaay. Please don’t break Andi’s heart.”

“Ang music man sad nimu et gud,” ayon naman sa isa pa.

Sabi ng isa pa, “Bat ako yung nasasaktan para kay Andi, kahit sabihin pa naten na tropa or kung ano pa eh may asawa yung tao. Kunyare na lang ikaw yung nasa side ni Andi”

Sabi naman ni Crissa sa isa pa niyang post, “Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! [Huwag niyong lagyan ng isyu ang pag-uusap namin ni philmar wala ako sa kalingkingan ng ganda ni andi]”

Sa kanyang Facebook account, nag-share si Crissa ng post ng isang page tungkol sa viral video nila ni Philmar.

Sabi niya sa caption, “DILI NA LNG KO MAKIG STORYA ANI! [Hindi na lang ako makikipag-usap!]”