Did Barbie Imperial post gym photo with Richard Gutierrez?

Barbie Imperial, Richard Gutierrez together at the gym?

Nag-post ang aktres na si Barbie Imperial ng kanyang gym photo sa Instagram Story kahapon, May 27, 2024.

Makikita sa larawan ng aktres ang mirror selfie niya, suot ang kanyang gym outfit.

Walang iilagay na caption si Barbie.

Barbie Imperial gym photo

Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.

Hindi malinaw ang mukha ng lalaki na naka-headset, sumbrero, at naka-black sando.

Base sa larawan, tila magkasingkatawan ang lalaki sa likuran at ang nali-link ngayon kay Barbie na si Richard Gutierrez.

Ito rin ang hinala ng netizens.

Is this Richard Gutierrez?

THE REDDIT POST

Mababasa sa isang Reddit post: “So si Retsard ba ang nasa likod ni ate mo Barbie? Hahaha kaloka”

Reddit post on Barbie Imperial

Komento naman ng isang netizen, “Barbie really thinks Richard is such a great catch that’s flex-worthy. Nagpabudol.”

Netizen on Barbie Imperial

Sabi ng isa pa, “Ano ba yang si Barbie? Di naman sikreto na pamilyadong tao pati yung abuse na pinagdaanan ni Sarah tapos pumatol pa diyan? Wala na bang iba? Sir Richard naman sa dinami ng pasaring na kinakalat ng camp nya sa lifestyle ni Sarah hindi man lang inisip yung mga anak niya. Fresh pa nung break up at back and forth between him and Sarah to those kids tapos nagpapa soft launch agad sa babae na mas bata sa kanya nakakadiri. Are people supposed to castigate Sarah for allegedly spending her (legal) husband’s money tapos makikita mo itong husband ginagastos pera sa hindi naman nya asawa in the first place lol.”

Netizen on Barbie Imperial

RICHARD GUTIERREZ-BARBIE IMPERIAL LATEST SIGHTINGS

Spotted na magkasama sina Richard at Barbie sa South Korea noong nakaraang Sabado, May 26, 2024.

Nasa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa, ang dalawa.

Sa Facebook noong araw na iyon, isang netizen ang nag-post ng mga larawan nina Richard at Barbie.

Sabi lang nito, “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji)”

Barbie Imperial and Richard Gutierrez in South Korea

Sa comments section, nagkuwento ang netizen kung paano siya nagpakuha ng selfie kay Barbie.

Hindi raw siya nakapag-selfie kasama si Richard dahil, ayon umano kay Barbie, bawal silang makunang magkasama.

Sabi ng netizen (published as is, “Gusto ko din Sana magpapic ky Boy .

“Sabi ni girl hindi daw pede mkita silang mgksama..( napaisip tuloy ko Kung ako lng b nkakilala sa knila )”

Mabait naman daw si Barbie sa kanya at nakipagkuwentuhan pa. Lalo pa raw naging interesante ang kanilang pag-uusap nang sabihin niyang Bicolana siya tulad ng akres.

Ipinanganak at lumaki si Barbie sa Daraga, Albay.

Lahad ng netizen, “Pro mabait si girl nkipag kwentuhan p konte sakin Sabi ko bicolana ang mama ko .

“Ksma din pla si mama nya ( anjan po si mama tinuro nya.) Marunong daw ko magbicol savi ko konte lng kz laking manila n ko. .”

Pagtatapos niya sa komento niya, “(life nila yan kya we respect ung choice nila Lalo n s lovelife)

“As Public figures sila if they keep secret nila dpt hindi s public area…(if ayaw nila ky cristy at ogie) ”

RICHARD GUTIERREZ, BARBIE IMPERIAL FIRST SPOTTED IN ALABANG

Unang spotted na magkasama sina Richard at Barbie sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City, noong January 6, 2024.

Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrity.

Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.

Napansin ng mga customer na nakakita kina Richard at Barbie sa gastropub na sobrang kapalagayan nila ang isa’t isa.

“Bantay-sarado ni Chard si Barbie,” sabi ng isang source.

Pinatunayan din ng source ang pagiging gentleman ni Richard kay Barbie dahil inalalayan umano nito ang aktres nang magpunta ito sa comfort room.

“NO REACTION”

Nananatili namang tikom ang bibig ni Sarah Lahbati sa pagkakaugnay ng kanyang estranged husband na si Richard sa Kapamilya actress na si Barbie.

Noong April 2, 2024, sa mediacon ng TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, nahingan ng reaksiyon si Sarah ng entertainment press tungkol sa bulung-bulungang may espesyal na relasyong namamagitan kina Richard at Barbie.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang video at ilang larawan nina Richard at Barbie na magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa.

Maikli at natatawang sagot ni Sarah sa entertainment press, “No reaction. NR.”

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nina Richard at Barbie kung ano talaga ang totoong namagitan sa kanila.