Esther Lahbati laughs at “ginaya” comment on Barbie Imperial

Esther Lahbati on comments about daugther Sarah, Barbie Imperial

Pinagtatawanan ni Esther Lahbati, ina ng aktres na si Sarah Lahbati, ang komento ng isang netizen na diumano’y tila ginagaya ni Barbie Imperial ang style ng pananamit ni Sarah.

Sa Instagram, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang obserbasyon ng isang netizen tungkol kina Sarah at Barbie.

Nauugnay ngayon si Barbie sa estranged husband ni Sarah na si Richard Gutierrez.

THE POST

Ang post ni Sarah ay luma na at para ito sa 11th birthday ng panganay niyang anak na si Zion Gutierrez noong April 29, 2024.

Bahagi ng caption ni Sarah sa kanyang post para sa anak, “part one

“happy 11th birthday to my angel, zion. from the moment you were in mom’s tummy, you changed my life for the better.

“i adore you more than words can express, and i pray that God continues to bless and guide you as you blossom into the remarkable young man you are becoming.

“i promise to always be by your side, supporting you every step of the way. love you to the moon and back.”

THE COMMENTS

Isa sa mga nagkomento sa post ni Sarah ay nagsabing ginagaya umano ni Barbie ang pananamit ni Sarah. Pati na ang pag-aaral nito sa Center for Culinary Arts (CCA).

Nauna si Sarah na nag-enrol sa CCA.

Kamakailan ay nag-aral din si Barbie sa nasabing culinary school.

Saad ng isang netizen, “Parang ginaya ni barbie si sarah sa white dress nya at pati yung culinary. Pero syempre sarah pa din maganda.”

Sinegundahan din ito ng isa pa, “true lahat na lng ginagaya kay sarah [laughing emoji] smile, pose, hobby super copycat lol”

Netizens on Barbie Imperial and Sarah Lahbati

Marami pang masasakit na komento ang netizens patungkol kay Barbie.

Sa bandang huli ng thread, sumagot si Esther sa unang nagkomento.

Tatlong laughing with tears emojis ang makahulugang komento ng ina ni Sarah.

Netizens on Barbie Imperial and Sarah Lahbati

POSTS ABOUT “TRUTH”

Samantala, naintriga ang netizens sa post ni Barbie noong May 30, 2024, kung saan nagbahagi ang Kapamilya actress ng Bible verse mula sa John 16:13.

Tungkol ito sa “truth” or katotohanan.

Napansin ng netizens ang post dahil ginawa ito ni Barbie matapos ang tila soft launch ng Kapamilya actress sa relasyon nila ni Richard sa Instagram Story noong May 27, 2024.

Nakalagay rin dito ang mga titik na “NIV” o “new international version.”

Mababasa rito ang tungkol sa “truth.”

Buong post ni Barbie: “Verse of the Day

“John 16:13 NIV

“But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all the truth. He will not speak on his own; he will speak only what he hears, and he will tell you what is yet to come.”

Caption niya sa post ay tanging praying hands at white heart emojis

SOFT LAUNCH

Noong May 27, 2024, nag-post si Barbie ng kanyang gym photo sa Instagram Story.

Makikita sa larawan ng aktres ang mirror selfie niya, suot ang kanyang gym outfit.

Walang iilagay na caption si Barbie.

Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.

Hindi malinaw ang mukha ng lalaki na naka-headset, sumbrero, at naka-black sando.

Base sa larawan, tila magkasingkatawan ang lalaki sa likuran at ang nali-link ngayon kay Barbie na si Richard.

Ito rin ang hinala ng netizens.

Marahil, ito raw ang simula ng pagpapakilala ni Barbie kay Richard bilang kanyang nobyo.

RICHARD GUTIERREZ-BARBIE IMPERIAL LATEST SIGHTINGS

Spotted namang magkasama sina Richard at Barbie sa South Korea noong May 26, 2024.

Ang dalawa ay namataan sa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa.

Sa Facebook noong araw na iyon, isang netizen ang nag-post ng mga larawan nina Richard at Barbie.

Nakakintrigang caption nito, “Kayo na maglagay ng captions [laughing emoji]”

Sa comments section, nagkuwento ang netizen kung paano siya nagpakuha ng selfie kay Barbie.

Hindi raw siya nakapag-selfie kasama si Richard dahil, ayon umano kay Barbie, bawal silang makunang magkasama.

Sabi ng netizen (published as is, “Gusto ko din Sana magpapic ky Boy .

“Sabi ni girl hindi daw pede mkita silang mgksama..( napaisip tuloy ko Kung ako lng b nkakilala sa knila )”

Mabait naman daw si Barbie sa kanya at nakipagkuwentuhan pa. Lalo pa raw naging interesante ang kanilang pag-uusap nang sabihin niyang Bicolana siya tulad ng akres.

Ipinanganak at lumaki si Barbie sa Daraga, Albay.

Lahad ng netizen, “Pro mabait si girl nkipag kwentuhan p konte sakin Sabi ko bicolana ang mama ko .

“Ksma din pla si mama nya ( anjan po si mama tinuro nya.) Marunong daw ko magbicol savi ko konte lng kz laking manila n ko. .”

Pagtatapos niya sa komento niya, “(life nila yan kya we respect ung choice nila Lalo n s lovelife)

“As Public figures sila if they keep secret nila dpt hindi s public area…(if ayaw nila ky cristy at ogie) ”

RICHARD GUTIERREZ, BARBIE IMPERIAL FIRST SPOTTED IN ALABANG

Unang spotted na magkasama sina Richard at Barbie sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City, noong January 6, 2024.

Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrities.

Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.

Napansin ng mga customer na nakakita kina Richard at Barbie sa gastropub na sobrang kapalagayan nila ang isa’t isa.

“Bantay-sarado ni Chard si Barbie,” sabi ng isang source.

Pinatunayan din ng source ang pagiging gentleman ni Richard kay Barbie dahil inalalayan umano nito ang aktres nang magpunta ito sa comfort room.

“NO REACTION”

Nananatili namang tikom ang bibig ni Sarah Lahbati sa pagkakaugnay ng kanyang estranged husband na si Richard sa Kapamilya actress na si Barbie.

Noong April 2, 2024, sa mediacon ng TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, nahingan ng reaksiyon si Sarah ng entertainment press tungkol sa bulung-bulungang may espesyal na relasyong namamagitan kina Richard at Barbie.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang video at ilang larawan nina Richard at Barbie na magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa.

Maikli at natatawang sagot ni Sarah sa entertainment press, “No reaction. NR.”

Wala pa ring pahayag sina Richard at Barbie ukol sa totoong estado nilang dalawa.