82-anyos na ama ni Niño Muhlach, 30-anyos ang karelasyon

nino muhlach father alex and girlfriend mae
Niño Muhlach (right) on dad Alex Muhlach’s (left) relationship with a much younger woman (in leafy ensemble): “She gave her best years of her life para alagaan si Papa. Yung prime years ng buhay niya, she gave it up para kay Papa.”

May tumalo sa record na naitala ni Batangas Governor Hermilando Mandanas—si Alex Muhlach, ama ng dating Child Wonder Niño Muhlach.

Pinag-usapan at lumikha ng ingay ang pagpapakasal sa simbahan ni Mandanas at ng asawang si Atty. Angelica Chua noong Mayo 8, 2024, dahil sa malaking agwat ng kanilang mga edad.

Apatnapu’t walo (48), o halos limampung taon, ang agwat ng edad ng mga bagong kasal. Si Mandanas ay 80 years old; si Chua ay 32 years old.

Pero tinalo nga sila ng ama ni Niño na si Alex Muhlach: Limampu’t dalawang (52) taon ang tanda nito sa girlfriend na si Mae Fortaleza.

Magkarelasyon sila mula pa noong 2014.

Magdiriwang ng kanyang ika-82 na kaarawan si Alex sa Hunyo 9, 2024.

Masasabing guwapo, matikas, at batambata pa rin ang hitsura nito.

Si Mae naman ay magti-30 years old ngayong 2024.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Alex ngayong Lunes ng gabi, Hunyo 3, 2024, sa isang video call.

“Ten years na kami ni Mae at 52 years lang ang agwat ng aming edad,” sabi ni Alex, na bakas sa mukha ang labis na kaligayahan.

Alex Muhlach and girlfriend Mae Fortaleza
Alex Muhlach and girlfriend Mae Fortaleza
alex muhlach and mae fortaleza
ALEX MUHLACH WITH MAE FORTALEZA

NIÑO EMOTIONAL TALKING ABOUT PAPA ALEX

Si Niño at ang mga anak nitong sina Sandro at Alonzo ang mga bisita ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes ng hapon, Hunyo 3, 2024.

nino muhlach with sons sandro and alonzo
Niño Muhlach with sons Sandro (center) and Alonzo (right) when they guested on Fast Talk With Boy Abunda

Hindi napigilan ng dating child superstar na mapaluha nang mapag-usapan ang ama.

Mahal na mahal ni Niño si Alex at tumatanaw ito ng malaking utang na loob sa tatay niya.

Si Alex ang dahilan kaya nagkaroon ng matagumpay na showbiz career si Niño, na nag-umpisang umarte sa edad na tatlo.

Masinop sa pera at mahusay sa negosyo ang ama ni Niño, kaya nakapagpatayo sila ng sariling movie production company, ang D’Wonder Films, na nagprodyus noon ng blockbuster movies ng tinawag na Child Wonder.

Inilagay ni Alex sa trust fund ang mga perang kinita ni Niño, kaya komportable ang pamumuhay ngayon ng dating child star, na nagmamay-ari ng building sa N. Domingo Street, ang El Niño Apartelle, at ng sikat na Muhlach Ensaymada.