Inilahad ni Angelica Panganiban ang estado ng kaniyang kalusugan.
Noong November 2023, ibinahagi ni Angelica na siya ay diagnosed ng bone disease. Ito ay ang avascular necrosis or “bone death.”
Saad ni Angelica sa kaniyang kondisyon, “So, avascular necrosis is bone death, namatay na ‘yung bones ko sa aking balakang kaya pala hirap na ako maglakad. Talagang ‘yung mobility ko hindi nasosolusyunan, kahit pa ano’ng gawin kong strengthening.”
Sa bagong vlog sa YouTube channel ni Angelica, ipinakita niya ang kaniyang araw kasama ang anak na si Amila Sabine o Bean. Dito, ipinaalam ni Angelica ang kaniyang kondisyon pagkatapos nilang mag-bonding ng anak sa school at sa park.
Ani Angelica, “It’s a very very productive day for me and Bean. Ang ending sobrang sakit ng hips ko. Ika-ika na ako maglakad.”
PHOTO SOURCE: YouTube: The Homans
Kuwento ni Angelica, limitado na ang kaniyang galaw dahil sa kaniyang kondisyon.
“Mayroon na talagang limit ‘yung hips ko, legs ko, likod ko. Parang ilang steps lang siya. Noon nakaka-ten thousand steps ako. Ngayon, suwerte na kapag naka-one thousand steps ako.”
Inamin pa ni Angelica sa kanilang vlog na umaasa siya na maka-recover at maiwasan ang hip replacement.
“Kakaloka, pero sana magtuloy-tuloy ang recovery ko dahil iniiwasan natin magkaroon ng hip replacement.
Dugtong pa ng aktres, “Kung ano talaga ang gusto ng Panginoon, ‘yun ang gusto ng Panginoon. Lahat ‘yan may ibig sabihin kung bakit ito nangyayari sa atin ‘di ba?”
Panoorin ang vlog ni Angelica dito:
Samantala, kilalanin ang mga Filipino celebrities na diagnosed with rare medical conditions: