Is this Trina Candaza’s reaction to wedding of Carlo Aquino?

Trina Candaza posts almost blank wall picture after news broke out about Carlo Aquino's wedding
Netizens pour sympathy messages on Trina Candaza’s (left) post on Instagram hours after news broke out that her ex-partner Carlo Aquino tied the knot with Charlie Dizon (right) in Silang, Cavite

May pakahulugan ba ang post ni Trina Candaza ng isang picture ng isang blangkong bahagi ng isang pader sa pagpapakasal ng ex-boyfriend na si Carlo Aquino kay Charlie Dizon?

Makikita rin sa larawan ang kalahating bahagi ng abstract painting ng tila mga puno.

Caption lang dito ni Trina ay emoji ng isang lotus flower.

NETIZENS REACT

Bumuhos kaagad ang mensahe ng suporta para kay Trina sa comments section ng kanyang post.

Ayon sa isang nagkomento, nang marinig niya ang pagpapakasal nina Carlo at Charlie, ang una niyang naisip ay si Trina at ang anak nito sa aktor.

Aniya, “When I heard that Carlo Aquino got married today, I immediately thought of her and Mithi [crying emoji]”

Netizens reactions to Trina Candaza's post

Saad ng isa pa, “Yong nakita q yong news about wedding ni Carlo at Charlie siya agad naisip qoh [crying emoji] Sabihin man natin matagal ng hiwalay pero nd madali sa isang babae makalimot lalo na my anak sila. Ako yong nasaktan keep strong Miss Trina [heart emoji]”

Netizens reactions to Trina Candaza's post

Sabi pa ng isa, “Let us not be sad for her, instead let us all be happy that God save her from more pain. We should all rejoice that her life was not wasted to that kind of boy and she has a chance to meet the best and perfect man.”

Netizens reactions to Trina Candaza's post

CARLO AQUINO-CHARLIE DIZON SECRET WEDDING

Naganap ang private at secret wedding nina Carlo at Charlie sa Alta Veranda de Tibig private resort, sa Silang, Cavite, kahapon, June 9, 2024.

Kabilang sa principal sponsors sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic head Laurenti Dyogi, Sylvia Sanchez, at sina Senator Bong Revilla at maybahay nitong si Congresswoman Lani Mercado.

Maid of honor si Sue Ramirez, habang bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag.

Kabilang sa groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.

Si Loisa Andalio ang candle bearer, habang si Elisse Joson sa veil, at si Alexa Ilacad sa cord.

DOUBLE CELEBRATION FOR CHARLIE DIZON

Pinakaunang naglabas ng balitang magpapakasal na sina Carlo at Charlie ay ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), gabi pa lamang ng Sabado, June 8, 2024.

Nang makapanayam ng PEP Troika si Charlie matapos niyang magwagi bilang best actress sa 47th Gawad Urian noong June 8, inusisa siya kung totoong kinabukasan, June 9, na sila magpapakasal ni Carlo.

Nanalo si Charlie ng best actress award para sa pelikulang Third World Romance na pinagtambalan nila ni Carlo, sa direksiyon ni Dwein Baltazar.

Sa event, naulinigan ng PEP ang balitang magpapakasal na ang dalawa kinabukasan, Linggo.

Nabanggit din kasi ng aktres sa kanyang acceptance speech ang mga linyang, “Kung hindi niyo lang po alam, sobrang gandang regalo po nito sa akin ngayon!”

Pero ang masayang sagot ni Charlie sa PEP, “Hehehe, abangan niyo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!”

Nang tanungin naman kung gaano siya ka-excited kinabukasan, June 9, na araw ng kasal, patanong din ang sagot niya sa kung ano ang meron bukas.

Sinagot siya ng PEP.ph ng: “Wedding, siyempre.”

Pakli ng aktres: “Wedding niyo po ba?”

Pero halos pag-amin na nito nang banggiting double celebration na ang award para sa kanya, “Sa inyo na po galing yan, thank you so much.”

TRINA CANDAZA INSPIRED BY LJ REYES’S HAPPY EVER AFTER

Noong May 2023, mukhang inspirado si Trina sa kanyang buhay matapos ang ang engagement ng Kapuso actress na si LJ Reyes sa non-showbiz fiancé nitong si Philip Evangelista.

Kaugnay ito ng feedback mula sa netizens na natuwang makitang masaya na si LJ halos dalawang taon mula nang lubos itong nasaktan sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.

October 2023, ikinasal si LJ kay Philip sa isang intimate garden na ginanap sa The Bevin House, isang Victorian mansion sa may 76 Bevin Road, Asharoken, New York.

TRINA’S BREAKUP WITH CARLO

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na labis na nasaktan si Trina sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Carlo.

Noong Enero 2023, ipinagtapat ni Trina na hiwalay na sila ni Carlo noong December 2021 pa lamang.

Naikubli raw nila ito ng ilang buwan bago tuluyang lumabas sa publiko na hiwalay na nga sila.

Ngunit ayaw raw niyang isapubliko ang dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo dahil baka balang araw ay mapanood ng anak nilang si Mithi ang panayam.

Inamin din ni Trina na siya ang umalis sa tinitirhan nila noon ni Carlo.

Pag-amin niya, naging “toxic” din siya noon sa kanilang pagsasama, na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit tinabangan si Carlo sa kanya.

Saad ni Trina, “I can admit that ang toxic ko that time, but I tried to be positive para sa anak namin.”

Hanggang sa dumating na raw sa puntong napagtanto niyang hindi magwu-work ang relasyon nila ni Carlo.

At sa loob ng isang taon, naging single sila pareho.

CARLO AND CHARLIE’S NEWFOUND ROMANCE

Pero si Carlo ay nakahanap na ng bagong dini-date, at umingay ito dahil sa dinner pictures ni Carlo kasama si Charlie.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Carlo na nagdi-date nga sila ni Charlie noon.

Ayon pa rito, very positive outlook ang nakikita niya kay Charlie.

Ano naman ang masasabi ni Trina tungkol dito?

Sagot niya, “Wala na ako sa posisyon para magsalita about that kasi it’s their relationship.

“And siguro puwede lang ako makapagbigay ng opinion ko kapag ka magiging nanay [stepmom] na siya ni Mithi.”

Single pa rin si Tina hanggang ngayon.