Labis na pinanghihinayangan ni Andi Eigenmann na hindi niya napilit maisama sa Siargao ang kanyang pumanaw na inang si Jaclyn Jose.
Matagal nang naninirahan si Andi at ang kanyang mga anak sa Siargao. Pero sa kabila ng maraming pagpaplano, hindi natupad ang balak ni Jaclyn na puntahan ang islang malapit sa puso ng anak niya.
Binawian ng buhay si Jaclyn noong Marso 2, 2024, kaya tuluyan nang hindi nangyari ang plano nitong bisitahin ang pamilya ni Andi sa Siargao.
“I wish all the times that she said next time na siya magsa-Siargao, I wish I just picked her up and just, like, forced her.
“Of course, I have those regrets, but I find peace knowing that she always assured us na, ‘Okay lang, you’re doing well, you’re in a good place.’”
Ito ang pagtatapat ni Andi sa My Mother, My Story, ang limited talk series ni Boy Abunda sa GMA-7, na napanood ngayong Linggo ng hapon, Hunyo 9, 2024.
ANDI EIGENMANN POSTPONES WEDDING TO PHILMAR ALIPAYO
Ang pagpanaw ng premyadong aktres din ang dahilan ng hindi matutuloy na pagpapakasal ni Andi at ng fiancé nitong si Philmar Alipayo ngayong 2024.
Pahayag ni Andi: “That was a bit heavy for me because I don’t live every day of my life thinking my mom can die tomorrow, which I don’t know if that was a mistake.
“Mali ba yon? Hindi ko alam na ganoon ang pag-iisip ko. Hindi ko ipinagdadasal o pinapangarap na mapuputol agad ang buhay ni Nanay.
“Tapos, ang dami kong inaasahan na mga pangyayari sa taon na ito that involves her.
“Kasi, after all, ang pagpapakasal namin ni Philmar, it’s also mostly for her.
“Kami ni Philmar, kahit hindi kami magpakasal, asawa ko na yan. Asawa na namin ang isa’t isa.
“Para sa akin, yun ang mahalaga. Pero alam ko na magiging masaya si Nanay kapag nagpakasal kami.
“Hindi puwedeng parang kasal ko tapos guest lang siya. No!
“To me, she’s my most important guest at that wedding, supposedly.”
Malaking bagay rin daw para kay Andi na makapunta si Jaclyn sa Siargao dahil gusto niyang makita sana ng ina ang mga bagay na natutunan niya mula nang tumira siya roon.
Saad ni Andi, “And it’s also a big deal for me for her to come to Siargao kasi ang dami kong natutunan sa pagpunta ko sa Siargao.
“At marami akong pinapangarap na kapag siya siguro nakarating doon, gusto ko siya rin, ma-realize niya ito.
“Gusto ko makita rin niya ito. Magkaroon siya ng pagkakataon to make certain changes in herself, in her life.
“Na baka siya rin, kapag nagpunta ng Siargao, mangyari din yon.”
DEARLY DEPARTED ONES
Tuluyan nang pumatak ang luha ni Andi nang banggitin ang kanyang mga mahal sa buhay na pumanaw na, dahil wala na ang mga ito sa araw ng kanyang kasal.
Bukod kay Jaclyn, nauna nang pumanaw ang ama ni Andi na si Mark Gil at ang kanyang tita na si Cherie Gil.
“Ayaw namin na to do it this year but yes, of course, we still are gonna get married,” paniniguro ni Andi tungkol sa pagpapakasal nila ni Philmar.
“It’s just a bit sad because that’s how big… milestone in anybody’s life is to get married.
“And my dad is not around and Tita Cherie. So, parang ang hirap sa akin na isipin yon kasi ito yung mga importanteng tao sa buhay ko, unti-unti na silang nawawala.
“Tapos akala ko, nandiyan lang sila. Akala ko may oras.
“Lahat naman tayo, yun ang iisipin, di ba? Hindi natin malalaman kung kailan matatapos.
“For me, the biggest lesson for me is to learn how to make the people you love feel it, the way they want to. It’s just not about the best way you know how.
“Also, make an extra effort to make them feel it the way they want to feel it too.”
ANDI EIGENMANN REMEMBERS LATE MOM JACLYN JOSE
Ano ang mga alaala ni Andi tungkol sa kanyang yumaong ina?
Ayon sa aktres, “Isang makulay siyang tao pero lahat ng masasabi ko sa kanya, lahat ng naaalaala ko, hindi ko naaalala yung sakit or yung sama ng loob. Hindi ko naaalaala yung pagkukulang o pagkakamali.
“Ang naaalaala ko lang, siya bilang siya. Isang tao na punumpuno ng pagmamahal and ang dami kong napupulot na aral.
“Just be kind. Choose kindness. Be kind.
“Always do what you believe is right. As long as you’re not affecting or hurting anyone. Just keep going and you will always be in the right place.”
Ang paulit-ulit na pasasalamat ang mensahe ni Andi para kay Jaclyn, kasunod ang pagtatapat na sana, mas naging mapagkumbaba pa siya sa kanyang namayapang ina.
Mensahe ni Andi: “Maraming salamat. Always, always, maraming salamat.
“I feel like noong nabubuhay ka pa, lalo na ngayong nawala ka na, hindi ko palagi alam kung paano magiging sapat yung pagpapasalamat.
“Kahit minsan, kahit isang beses, hinding-hindi ko naisip na itong buhay na ito, makukuha ko, or hindi ako ito kung hindi dahil sa kanya.
“Napakalaking parte ng pagkatao ko ay dahil sa yo. Dahil sa kung paano mo ako minahal at kung paano mo ako pinalaki, kaya maraming salamat.
“The theme of our whole life together, of our whole relationship is always love, love. How great love is.
“Now that you’re gone, that’s the biggest hit in the head that I can ever get for me to realize that how sorry I am.
“That I didn’t make that extra effort to give you the kind of love that you wanted to get from me.
“I just hope, I just wish that mas nagpakumbaba ako, mas madalas ako nagpakumbaba at niyakap na lang kita.
“I will never stop feeling sorry for that, for my shortcomings as a daughter.”
Sa huling tanong ni Boy kay Andi kung sino siya nang dahil kay Jaclyn, ito ang sinabi ng 34-year-old actress:
“I am brave and I am strong and I know that I can overcome anything and I can get through anything. I can achieve anything that my heart desires because of my mom.”