Vice Ganda, nag-sorry kay Atty. Annette Gozon-Valdes

Bakit kaya humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Atty. Annette Gozon-Valdes?

Nag-sorry ang komedyante at It’s Showtime host na si Vice Ganda kay GMA Pictures President Atty. Annette Gozon-Valdes matapos niyang mabanggit ang news show ng ABS-CBN imbis na 24 Oras ng GMA Network.

Sa segment ng show na “EXpecially For You” kung saan nag-guest si Kapuso singer Rita Daniela, muling pinansin ni Vice kung gaano kaganda ang boses ng singer. At dito na niya nabanggit ang naturang news show.

Aniya, “Ang ganda ng boses nito. Bakit hindi ka mag-TV Patrol? Pero ikaw ‘yung nagre-report.”

Dagdag pa ng co-host niyang si Jhong Hilario, “Puwede sa Star Patrol!”

Dito na nabanggit ni Vice ang 24 Oras, at tinanong si Jhong kung bakit hindi ang news program ng GMA ang nasabi nila.

“Ma’am Annette, I’m sorry!” biglang sabi ni Vice.

Dito nagtawanan na sina Rita, Vice, Jhong, at iba pang host ng show.

Sabi naman ni Karylle, puwede namang mag-excuse me na lang si Vice dahil sa nasabi niya.

Hirit na biro ng TV-host-comedienne, “Baka mabawi ‘yung imbitasyon natin sa GMA Gala. Masasayang ‘yung gown na pinagawa ko.”

BALIKAN ANG UNANG PAGDALO NG ILAN SA ‘IT’S SHOWTIME’ HOSTS SA GMA GALA NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO:

Matatandaang bumisita noong September 2023 sina Atty. Annette kasama ang ilang Sparkle executives matapos magkaroon ng contract sigining sa pagitan ng GTV at It’s Showtime noong June.

Samantala, ilang hosts din ng noontime show ang naging bahagi ng prestihiyosong GMA Gala Night noong nakaraang taon. At ngayong 2024, ipagdidiwang na ang ikatlong taon ng isa sa most celebrated at highly-anticipated event sa showbiz industry.

Panoorin ang segment ng It’s Showtime dito: