Naglabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN hinggil sa pagbasura ng MTRCB sa motion for reconsideration na inihain ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Ito ay kaugnay ng 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board, sa pangunguna ng chairperson nitong si Lala Sotto, sa Kapamilya noontime show dahil sa ilang violation ng programa.
Sa inilabas na resolusyon ng MTRCB nitong Huwebes ng hapon, September 28, 2023, nanindigan sila sa desisyong inilabas nila noong September 4, na nag-uutos sa management na itigil ang live broadcast ng show sa loob ng labindalawang araw.
Ayon sa pahayag na inilabas ng ABS-CBN ngayong Huwebes ng gabi, September 28, pinag-aaralan na nila kung anong hakbang ang susunod nilang gagawin.
Ipinaalam din nila sa mga manonood ng It’s Showtime na habang hindi pa pinal ang 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB ay patuloy pa ring eere ang Kapamilya noontime show sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.
Nagpasalamat din ang ABS-CBN sa mga patuloy na naniniwala at sumusuporta sa It’s Showtime sa gitna ng isyu na kanilang pinagdaraanan.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
“We have received the decision of the Movie and Television Review and Classification Board on our Motion for Reconsideration regarding ‘It’s Showtime’ and are currently exploring all our remedies and options.
“In the meantime, since the imposed suspension is not yet final and executory, we would like to reassure our audiences that ‘It’s Showtime’ will continue to be seen on Kapamilya Channel, A2Z, and GTV. It is also available on Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.
“We are truly grateful for the unwavering love and support that we have received from our viewers.
“We remain committed o bringing joy and inspiration tour beloved Madlang People.”