Alden Richards surprised by Julia Montes’s opinion on cheating

Julia Montes and Alden Richards

Ikinagulat ng Kapuso actor na si Alden Richards ang opinyon ng Kapamilya actress na si Julia Montes tungkol sa usaping panloloko o cheating.

Nitong Lunes, October 16, 2023, naging panauhin ang dalawa sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay bilang bahagi ng promo ng kanilang upcoming movie na Five Breakups And A Romance.

Sa isang bahagi ng kanilang interview, hiningi ang opinyon nina Alden at Julia tungkol sa mga babanggiting sitwasyon ng hosts na sina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal tungkol sa pakikipagrelasyon.

Sa LED screen ng Kapamilya morning show magpa-flash ang mga katagang “Romance” (puwede pang maayos) at “Breakup” (tapusin na ang relasyon) at dito ay tatapatan nila ito.

Nang mabanggit ang cheating ay mabilis na tumapat si Alden sa LED screen na may nakasulat na breakup, habang si Julia naman ay gustong pumagitna sa breakup at romance.

Tanong ni Alden kay Julia, “Cheating yan, bakit ka gigitna?”

Sagot sa kanya ni Julia, “Mag-e-explain ako, wait.”

“Gigitna ka nga?” gulat na tanong ni Alden sa kanyang leading lady.

Agad namang nagpaliwanang si Julia kung bakit sa tingin niya ay kailangan niyang manimbang.

Ayon sa aktres, walang perpektong relasyon. May mga kasalanan at pagkakamali raw na kailangang mapatawad at hindi na kailangan pang humantong sa hiwalayan.

Paliwanag ni Julia, “Wala namang perfect.

“In a relationship, mayroon isa, hindi ko naman nilalahat, baka dalawa kayong nagkamali for a time.

“Pero hindi naman necessarily na kapag nagkamali sa iyo ay hihiwalayan mo na agad.”

Naniniwala raw si Julia na sa mga ganitong pagkakataon ay kailangang mag-usap ng magkarelasyon tungkol sa pagkukulang nila sa isa’t isa kung kaya’t nangyari ang panloloko.

Saad niya, “Minsan baka rin puwede kang magtanong, ‘Nung time ba na yon, nung nangyari yon ay may pagkukulang ka ba kaya nangyari yon?’

“Pero kung wala, doon ka na magtanong sa sarili mo na, ‘Ah, teka lang?’ Doon naman mag-iiba ang kuwento.”

Matatawag lang daw na panloloko ang isang kasalanan kung paulit-ulit itong ginagawa.

Lahad ni Julia, “So, parang feeling ko, cheating kapag ilang beses na— too much.

“Pero kapag yung nagkamali, nadapa, well, ako ang mindset ko lang, kapag nadapa ba ang isang tao, sino ang gusto mong magtayo sa kanya? Ibang tao na? Ibang babae na o ikaw pa rin na partner?”

Bagamat salungat ang opinyon ni Alden tungkol sa panloloko, sa kabilang banda ay sumang-ayon din ang aktor sa mga sinabi ni Julia.

Aniya, “Ako naman, may point of view naman diyan, when you get into a relationship, alam mo kung ano ang papasukin mo, alam mo ang commitment mo sa partner mo and both of you should know.